Ang RelihiyongIslām

Maglalahad nito ang mga teksto ng Qur'ān at Sunnah ng pinakamabuti sa mga tao

J. Ang Sugong si Jesus (Sumakanya ang Pangangalaga)

Talaga ngang ang Dalisay na Birheng Maria na anak ni `Imrān ay isang babaing mananamba kabilang sa mga babaing mananambang tagasunod sa mga utos ni Allāh na pinababa sa mga propeta matapos ni Moises. Siya ay kabilang sa mag-anak na hinirang ni Allāh higit sa mga nilalang, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya):

{Tunay na si Allāh ay humirang kay Adan, kay Noe, sa mag-anak ni Abraham, at sa mag-anak ni `Imrān higit sa mga nilalang –}

(Qur’ān 3:33)

Nagbalita ng nakagagalak sa kanya ang mga anghel hinggil sa paghirang ni Allāh sa kanya:

{[Banggitin] noong nagsabi ang mga anghel kay Maria: “O Maria, tunay na si Allāh ay humirang sa iyo, nagdalisay sa iyo, at humirang sa iyo higit sa mga babae ng mga nilalang.

O Maria, magmasunurin ka sa Panginoon mo, magpatirapa ka, at yumukod ka kasama ng mga yumuyukod.}

(Qur’ān 3:42-43)

Pagkatapos nagpabatid si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) kung papaano Siyang lumikha kay Jesus sa sinapupunan ni Maria nang hindi nagkaroon ng isang ama, gaya ng nasaad sa sabi Niya (napakataas Siya):

{Bumanggit ka sa Aklat kay Maria noong nagpakalayu-layo siya mula sa mag-anak niya sa isang pook na silanganin.

Saka gumawa siya, mula sa pagbukod sa kanila, ng isang lambong, saka nagsugo Kami sa kanya ng espiritu Namin, saka nag-anyo ito sa kanya bilang taong lubos.

Nagsabi siya: “Tunay na ako ay nagpapakupkop sa Napakamaawain laban sa iyo; [lumayo ka,] kung ikaw ay isang mapangilag magkasala.”

Nagsabi ito: “Ako lamang ay sugo ng Panginoon mo upang maghandog ako sa iyo ng isang batang lalaking malinis.”

Nagsabi siya: “Paanong magkakaroon ako ng isang batang lalaki samantalang walang sumaling sa akin na isang lalaki at hindi ako naging isang mapakiapid?”

Nagsabi ito: “Gayon nagsabi ang Panginoon mo: Ito sa Akin ay madali, at upang gumawa Kami sa kanya bilang tanda para sa mga tao at bilang awa mula sa Amin. Ito ay naging isang bagay na naitadhana.”

Kaya nagdalang-tao siya nito at nagpakalayu-layo siya kasama nito sa isang pook na liblib.

Saka nagpapunta sa kanya ang sakit ng panganganak tungo sa katawan ng punong datiles. Nagsabi siya: “O sana ako ay namatay bago nito at naging isang limot na kinalimutan.”

Saka may nanawagan sa kanya mula sa ilalim niya: “Huwag kang malungkot; naglagay nga ang Panginoon mo sa ilalim mo ng isang batis.

Yumugyog ka patungo sa iyo sa katawan ng punong datiles, may maglalaglagan sa iyo na mga hinog na datiles na sariwa.

Kaya kumain ka, uminom ka, at magalak ka. Saka kung makakikita ka nga kabilang sa mga tao ng isa man ay sabihin mo: Tunay na Ako ay namanata para sa Napakamaawain ng isang pananahimik kaya hindi ako mangungusap ngayong araw sa isang tao.”

Saka nagdala siya nito sa mga kalipi niya habang kinakarga ito. Nagsabi sila: “O Maria, talaga ngang nagdala ka ng isang bagay na mapanirang-puri!

O kapatid ni Aaron, ang ama mo ay hindi naging isang lalaki ng kasagwaan at ang ina mo ay hindi naging isang mapakiapid.”

Kaya tumuro siya rito. Nagsabi sila: “Papaano kaming mangungusap sa sinumang nasa lampin na isang paslit?”

Nagsabi ito: “Tunay na ako ay alipin ni Allāh. Nagbigay Siya sa akin ng Kasulatan at gumawa Siya sa akin bilang propeta.

Gumawa Siya sa akin bilang pinagpala saan man ako naroon at nagsatagubilin Siya sa akin ng pagdarasal at pagkakawanggawa hanggat nananatili akong buhay.

[Gumawa Siya sa akin] bilang mabuting-loob sa ina ko, at hindi Siya gumawa sa akin bilang palasupil na malumbay.

Ang kapayapaan ay sumaakin sa araw na ipinanganak ako, sa araw na mamamatay ako, at sa araw na bubuhayin ako bilang buhay.”

Iyon si Jesus na anak ni Maria, bilang pagsasabi ng katotohanan na hinggil sa kanya ay nag-aalangan sila.

Hindi nangyaring ukol kay Allāh na gumawa Siya ng anumang anak – kaluwalhatian sa Kanya! Kapag nagtadhana Siya ng isang bagay ay nagsasabi lamang Siya rito na mangyari saka mangyayari ito.

[Nagsabi si Jesus:] “Tunay na si Allāh ay Panginoon ko at Panginoon ninyo kaya sumamba kayo sa Kanya; ito ay isang landasing tuwid.”}

(Qur’ān 19:16-36)

Kaya noong nag-anyaya si Jesus (sumakanya ang pangangalaga) sa mga tao tungo sa pagsamba kay Allāh, tumugon naman sa kanya ang sinumang tumugon at umayaw naman sa paanyaya ang marami sa mga tao. Nagpatuloy siya sa pag-aanyaya niya. Nag-aanyaya siya sa mga tao sa pagsamba kay Allāh subalit ang marami sa kanila ay tumanging sumampalataya sa kanya at nakipag-away sa kanya; bagkus nagsabwatan sila laban sa kanya. Tinangka pa nilang patayin siya! Kaya naman nagsabi si Allāh (napakataas Siya) kay Jesus:

{“O Jesus, tunay na Ako ay hahango sa iyo, mag-aangat sa iyo tungo sa Akin, magdadalisay sa iyo laban sa mga tumangging sumampalataya,…”}

(Qur’ān 3:55)

Naglapat si Allāh ng pagkakahawig sa kanya sa isa sa mga tumutugis sa kanya, kaya hinuli nila ito habang nagpapalagay sila na ito ay si Jesus na anak ni Maria (sumakanya ang pangangalaga) saka ipinako nila ito sa krus at pinatay nila ito. Hinggil naman kay Jesus na anak ni Maria, ang sugo, iniangat nga ito ni Allāh sa Kanya. Bago lumisan si Jesus sa Mundo, nagbalita siya ng nakagagalak sa mga kasamahan niya na si Allāh ay magpapadala ng isa pang sugo na ang pangalan ay Aḥmad, na ipalalaganap ni Allāh sa pamamagitan nito ang Relihiyon. Nagsabi Siya (napakataas Siya):

{Banggitin noong nagsabi si Jesus na anak ni Maria: “O mga anak ni Israel, tunay na ako ay sugo ni Allāh sa inyo, na nagpapatotoo sa nauna sa akin na mula sa Torah at nagbabalita ng nakagagalak hinggil sa isang Sugo na darating pagkatapos ko, na ang pangalan niya ay Aḥmad.”}

(Qur’ān 61:6)

Pagkatapos may lumipas na isang yugto ng panahon na nahati sa yugtong iyon ang mga tagasunod ni Jesus. May lumabas mula sa kanila na isang pangkating nagpakalabis-labis kaugnay kay Jesus. Nag-angkin ito na si Jesus ay Anak ng Diyos. Napakataas si Allāh higit sa sinasabi nila ayon sa kataasang malaki! Humalina nga sa pangkating ito yaong pagkakaalam nito na si Jesus (sumakanya ang pangangalaga) ay ipinanganak nang walang ama. Nagpabatid si Allāh tungkol doon sa sabi Niya:

{Tunay na ang paghahalintulad kay Jesus sa ganang kay Allāh ay gaya ng paghahalintulad kay Adan; lumikha Siya rito mula sa alabok, pagkatapos nagsabi Siya rito na mangyari saka mangyayari ito.}

(Qur’ān 3:59)

Kaya ang pagkakalikha kay Jesus nang walang ama ay hindi higit na kahanga-hanga kaysa sa pagkakalikha kay Adan nang walang ama at walang ina.

Dahil doon, si Allāh ay kumakausap sa mga anak ni Israel, ayon sa Qur’ān, upang lumayo sila sa kawalang-pananampalatayang ito sa pamamagitan ng pagsabi Niya (napakataas Siya):

{O mga May Kasulatan, huwag kayong magpalabis sa relihiyon ninyo at huwag kayong magsabi tungkol kay Allāh kundi ng totoo. Ang Kristo Jesus na anak ni Maria ay sugo ni Allāh lamang, salita Niya na ipinarating Niya kay Maria, at isang espiritu na mula sa Kanya. Kaya sumampalataya kayo kay Allāh at sa mga sugo Niya. Huwag kayong magsabi ng tatlo. Tumigil kayo; mabuti [ito] para sa inyo. Si Allāh ay nag-iisang Diyos lamang. Kaluwalhatian sa Kanya para magkaroon pa sa Kanya ng isang anak. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Nakasapat si Allāh bilang Pinananaligan.

Hindi magmamata ang Kristo na siya ay maging isang lingkod ni Allāh, ni ang mga anghel na minamalapit [kay Allāh]. Ang sinumang nangmamata sa pagsamba sa Kanya at nagmamalaki ay kakalap Siya sa kanila tungo sa Kanya nang lahatan.

Kaya hinggil sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, maglulubus-lubos Siya sa kanila ng mga pabuya sa kanila at magdaragdag Siya sa kanila mula sa kabutihang-loob Niya. Hinggil naman sa mga nangmata at nagmalaki, pagdurusahin Niya sila ng isang pagdurusang masakit at hindi sila makatatagpo para sa kanila bukod pa kay Allāh ng isang katangkilik ni isang mapag-adya.}

(Qur’ān 4:171-173)

Makikipag-usap si Allāh kay Jesus sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng pagsabi Niya:

{[Banggitin] kapag magsasabi si Allāh: “O Jesus na anak ni Maria, ikaw ba ay nagsabi sa mga tao: Gawin ninyo ako at ang ina ko bilang dalawang diyos bukod pa kay Allāh?” Magsasabi ito: “Kaluwalhatian sa Iyo! Hindi nagiging ukol sa akin na magsabi ako ng anumang ukol sa akin ay hindi isang karapatan. Kung nangyaring nagsabi ako niyon ay nakaalam Ka nga niyon. Nakaaalam Ka ng nasa sarili ko at hindi ako nakaaalam ng nasa sarili Mo. Tunay na Ikaw ay ang Palaalam sa mga nakalingid.

Hindi ako nagsabi sa kanila maliban ng ipinag-utos Mo sa akin na: Sumamba kayo kay Allāh na Panginoon ko at Panginoon ninyo. Ako noon sa kanila ay isang saksi hanggat nananatili ako sa piling nila; ngunit noong kumuha Ka sa akin, Ikaw ay ang Mapagmasid sa kanila. Ikaw sa bawat bagay ay Saksi.

Kung magpaparusa Ka sa kanila, tunay na sila ay mga lingkod Mo; at kung magpapatawad Ka sa kanila, tunay na Ikaw ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.”

Magsasabi si Allāh: “Ito ay Araw na magpapakinabang sa mga tapat ang katapatan nila. Ukol sa kanila ay mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman.” Nalugod si Allāh sa kanila at nalugod naman sila sa Kanya. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan.}

(Qur’ān 5:116-119)

Dahil doon, si Kristo Jesus (sumakanya ang pangangalaga) ay walang-kinalaman sa milyun-milyong ito na tumatawag sa sarili nila bilang Kristiyano at naniniwala na sila ay mga tagasunod ni Kristo.

About The Author