Ang RelihiyongIslām

Maglalahad nito ang mga teksto ng Qur'ān at Sunnah ng pinakamabuti sa mga tao

G. Ang Sugong si Lot (Sumakanya ang Pangangalaga)

Pagkatapos matapos niyon, isinugo ni Allāh si Lot sa mga kababayan niya. Sila ay mga tao ng kasagwaan, na sumasamba sa iba pa kay Allāh at gumagawa ng mahalay sa gitna nila. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

{[Banggitin mo] si Lot noong nagsabi siya sa mga kababayan niya: “Gumagawa ba kayo ng mahalay, na walang nakauna sa inyo roon na isa man kabilang sa mga nilalang?

Tunay na kayo ay talagang pumupunta sa mga lalaki dala ng pagnanasa sa bukod pa sa mga babae, bagkus kayo ay mga taong nagpapakalabis.”

Walang iba ang sagot ng mga kababayan niya kundi na nagsabi sila: “Palabasin ninyo sila mula sa pamayanan ninyo; tunay na sila ay mga taong nagpapakadalisay.”}

(Qur’ān 7:80-82)

Kaya pinaligtas siya ni Allāh at ang mag-anak niya maliban sa maybahay niya – na naging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya – yayamang nag-utos sa kanya si Allāh na lumabas siya at ang mag-anak niya mula sa nayon sa gabi. Kaya noong dumating ang utos ni Allāh, gumawa Siya sa mataas niyon na mababa niyon at nagpaulan Siya roon ng mga batong yari sa natuyong luwad na nagkapatung-patong.

About The Author