Ang RelihiyongIslām

Maglalahad nito ang mga teksto ng Qur'ān at Sunnah ng pinakamabuti sa mga tao

D. Ang Sugong si Hūd (Sumakanya ang Pangangalaga)

Pagkatapos matapos ng isang yugto ng panahon, nagsugo si Allāh sa lipi ng `Ād sa isang rehiyong tinatawag na Aḥqāf. Matapos na naligaw sila at sumamba sila sa iba pa kay Allāh, nagsugo Siya sa kanila ng isang sugong kabilang sa kanila, na si Hūd (sumakanya ang pangangalaga).

Nagpabatid sa atin si Allāh (napakataas Siya) tungkol doon sa sabi Niya:

{[Nagsugo sa] `Ād ng kapatid nilang si Hūd. Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?”

Nagsabi ang konseho na mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga kalipi niya: “Tunay na kami ay talagang nakakikita sa iyo sa isang kahunghangan at tunay na kami ay nakatitiyak sa iyo na kabilang sa mga sinungaling.”

Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, walang kahunghangan sa akin subalit ako ay isang sugo mula sa Panginoon ng mga nilalang.

Nagpapaabot ako sa inyo ng mga pasugo ng Panginoon ko, at ako para sa inyo ay isang tagapayong pinagkakatiwalaan.

Namangha ba kayo na may dumating sa inyo na isang paalaala mula sa Panginoon ninyo dala ng isang lalaking kabilang sa inyo upang magbabala sa inyo? Alalahanin ninyo noong gumawa Siya sa inyo bilang mga kahalili nang matapos ng mga tao ni Noe at nagdagdag Siya sa inyo ng kalakasan sa pangangatawan. Kaya alalahanin ninyo ang mga pagpapala ng Panginoon ninyo, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.

Nagsabi sila: “Dumating ka ba sa Amin upang sumamba kami kay Allāh lamang at umiwan Kami sa anumang dating sinasamba ng mga magulang namin? Kaya maglahad ka sa amin ng ipinangangako mo sa amin kung ikaw ay kabilang sa mga tapat.”

Nagsabi siya: “May bumagsak nga sa inyo mula sa Panginoon ninyo na isang kasalaulaan at isang galit. Nakikipagtalo ba kayo sa akin hinggil sa mga pangalang ipinangalan ninyo mismo at ng mga magulang ninyo, na hindi nagbaba si Allāh sa mga ito ng anumang katunayan. Kaya maghintay kayo; tunay na ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga naghihintay.”

Kaya pinaligtas Namin siya at ang mga kasama sa kanya dahil sa isang awa mula sa Amin. Pumutol Kami sa ugat ng mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin. Sila noon ay hindi mga mananampalataya.}

(Qur’ān 7:65-72)

Kaya nagsugo si Allāh sa kanila ng isang hanging humahagunot sa loob ng walong araw, na nagwawasak ng bawat bagay ayon sa utos ng Panginoon nito. Iniligtas ni Allāh si Hūd at ang mga sumampalataya kasama sa kanya.

About The Author