Mahal kong mambabasa,
Ang aklat na ito na nasa pagitan ng mga kamay mo ay magpapakilala sa iyo ng Relihiyong Islām sa paraang pinadali, na sumasaklaw sa lahat ng mga aspeto nito: mga pinaniniwalaan dito, mga etiketa nito, mga pagbabatas nito, at lahat ng mga katuruan nito.
Nagsaalang-alang nga ako kaugnay roon ng ilan sa mga pangunahing usapin:
Una: Ang pagpokus sa mga pangunahing katuruan ng Relihiyon na kinasalalayan nito.
Ikalawa: Ang pagpapaiksi sa abot ng makakaya.
Ikatlo: Ang paglalahad sa Islām sa pamamagitan ng mga orihinal na pinagkukunan nito: ang Marangal na Qur’ān at ang mga Hadīth ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kung saan tatayo ang mambabasa nang mukha sa mukha sa harapan ng mga pangunahing bukal ng Islām, habang umiinom mula sa mga ito nang direktahan ng patnubay nito at mga katuruan nito.
Makatatagpo ka, mahal kong mambabasa, matapos ng pagdating mo sa katapusan ng aklat na ito na may nabuo na sa iyo na isang maliwanag na ideya tungkol sa Relihiyong Islām, na makakaya mo matapos nito na mag-unti-unti sa pag-angat ng pondo ng pagkakaalam tungkol sa Relihiyong ito.
Tunay na ang aklat na ito na nasa pagitan ng mga kamay mo ay nauukol sa isang malaking pangkat ng mga tao sapagkat ito ay pumapatungkol sa unang antas sa mga nagmimithi ng pagyakap sa Relihiyong Islām at pagkatuto ng mga pinaniniwalaan dito, mga etiketa dito, at mga patakaran nito.
Pumapatungkol din ito sa mga nagpapahalagang iyon sa pagpapakaalam sa mga relihiyon lalo na sa mga relihiyon na niyayakap ng daan-daang milyong tao. Ito ay pumatungkol, gayon din, sa mga kaibigan ng Islām na mga sumisimpatiya rito, na mga humahanga sa ilan sa mga katangian nito, at pumapatungkol din naman sa mga kaaway ng Islām at mga kaalitan nito na mga nakikipagtunggali rito, na marahil ang kamangmangan nila rito ay naging isa sa mga pangunahing kadahilanan ng pagkamuhing ito at pagkasuklam na iyon.
Kabilang sa mga pinatutungkulan ng aklat na ito sa isang malaking antas ay yaong mga Muslim na nagmimithi na magpaliwanag ng Relihiyong Islām sa mga tao, kaya naman ang aklat na ito ay magpapaiksi para sa kanila ng pagpupunyagi at magpapadali sa kanila ng misyon.
Maaaring matagpuan mo – O marunong na mambabasa, kapag hindi ka nagkaroon ng isang naunang ideya tungkol sa Relihiyong Islām – na ikaw ay nangangailangan ng isang kaunting pinaigting na pagtutuon at hinay-hinay na pagbabasa para makaalam sa mga kahulugan na nilalaman ng aklat na ito. Kaya naman huwag kang magsawa roon sapagkat mayroong maraming website na pang-Islām na sasagot sa mga pagtatanung-tanong mo.