Ang RelihiyongIslām

Maglalahad nito ang mga teksto ng Qur'ān at Sunnah ng pinakamabuti sa mga tao

Kaya naman ito ay ang Relihiyong Islām na naghahayag ng pagbubukod-tangi kay Allāh (napakataas Siya) sa pagkadiyos. Ang adhikain nito ay walang Diyos kundi si Allāh. Ito ay ang Relihiyong Islām na kinalugdan ni Allāh para sa mga lingkod Niya bilang relihiyon.

{Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, lumubos Ako sa inyo ng biyaya Ko at nalugod Ako para sa inyo sa Islām bilang relihiyon.}

(Qur’ān 5:3)

Ito ay ang Relihiyong Islām na hindi tatanggap si Allāh mula sa isa man ng isang relihiyong iba rito.

{Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga malulugi.}

(Qur’ān 3:85)

Ito ay ang Relihiyong Islām na ang sinumang sumampalataya rito at gumawa ng maayos ay magiging kabilang sa mga magtatagumpay sa mga Hardin ng Kaginhawahan.

{Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay magiging ukol sa kanila ang mga Hardin ng Firdaws bilang tuluyan,

bilang mga mananatili sa mga iyon, na hindi sila maghahangad palayo sa mga iyon ng isang paglipat.}

(Qur’ān 3:107-108)

Ito ay ang Relihiyong Islām: hindi ito isang monopolyo ng isang pangkatin ng mga tao at hindi ito natatangi sa isang lahi ng mga tao; bagkus ang sinumang sumampalataya rito at nag-anyaya sa mga tao tungo rito, siya ay naging ang pinakamarapat sa mga tao rito at siya ay naging ang pinakamarangal sa ganang kay Allāh (napakataas Siya):

{Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo}

(Qur’ān 49:13)

Kailangan natin na tumawag-pansin sa marangal na mambabasa sa mga mahalagang usapin na humaharang sa pagitan ng mga tao at ng relihiyong ito at bumabalakid sa kanila sa pagpasok dito:

Una. Ang kamangmangan sa Relihiyong Islām bilang paniniwala, bilang batas, at bilang mga etiketa. Ang mga tao ay mga kaaway ng anumang hindi nila nalalaman. Dahil dito, kailangan sa nagpapahalaga sa kaalaman sa Relihiyong Islām na magbasa, pagkatapos magbasa, pagkatapos magbasa, pagkatapos magbasa hanggang sa magpakaalam siya sa Relihiyong ito mula sa mga orihinal na pinagkukunan nito. Ang pagbabasa ay maging may espiritung walang-kinikilingang makatarungan, na nagsasaliksik ng katotohanan sa buong kawalang pagkiling.

Ikalawa. Ang pagkapanatiko sa relihiyon, mga kaugalian, at mga kultura na kinamulatan ng indibiduwal nang walang pag-iisip nang may lalim at paglilimi sa katumpakan ng relihiyon na kinamulatan. Kumikilos sa kanya ang panatisismong pangmakabayan kaya tumatanggi ito sa bawat iba pang relihiyon na hindi relihiyon ng mga magulang niya at mga ninuno niya sapagkat ang panatisismo ay nagpapapikit ng mga mata, nagpapabara ng mga tainga, at tumatabing sa mga isip, kaya hindi nag-iisip ang tao nang may kalayaan at kawalang-kinikilingan at hindi nagtatangi-tangi sa pagitan ng mga kadiliman at ng liwanag.

Ikatlo. Ang mga pithaya ng kaluluwa, ang mga ibig nito, at ang mga nasa nito sapagkat tunay na ang mga ito ay naghahatid sa pag-iisip at pagnanais tungo sa kung saan nagnanais ang mga ito at nagwawasak sa tao mula sa kung saan hindi siya nakararamdam at humahadlang sa kanya sa pagtanggap ng katotohanan at pagpapaakay rito.

Ikaapat. Ang pag-iral ng ilan sa mga kamalian at mga pagkalihis sa ganang ilan sa mga Muslim at inuugnay bilang kabulaanan at paninirang-puri sa Relihiyong Islām samantalang ang Islām sa mga ito ay walang-kaugnayan. Magsaalaala ang lahat na ang Relihiyon ni Allāh ay hindi mananagot sa mga kamalian ng tao.

Tunay na ang pinakamadaling paraan sa pagkilala sa katotohanan at patnubay ay na magtuon ang tao ng puso nito kay Allāh habang nagsisisi na nagmamababang-loob, na nagsusumamo sa Kanya, na humihiling sa Kanya na magpatnubay sa landasing tuwid at relihiyong matuwid na naiibigan Niya at kinalulugdan Niya at magtatamo ang tao ng buhay na kaiga-igaya at kaligayahang walang-hanggan na hindi ito malulumbay matapos niyon magpakailanman. Alamin ng tao na si Allāh ay sumasagot sa panalangin ng tagapanalangin kapag dumalangin ito sa Kanya. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

{Kapag nagtanong sa iyo ang mga lingkod Ko tungkol sa Akin, tunay na Ako ay malapit: sumasagot Ako sa panalangin ng dumadalangin kapag dumalangin siya sa Akin kaya tumugon sila sa Akin at sumampalataya sila sa Akin, nang sa gayon sila ay magagabayan.}

(Qur’ān 2:186)

Natapos kalakip ng pagpupuri kay Allāh.

About The Author