I. Ang Sugong si Moises (Sumakanya ang Pangangalaga)
Pagkatapos may lumitaw sa Ehipto na isang haring mapagmalabis na nagpapakamalaki, na tinatawag na Paraon. Nag-aangkin siya ng pagkadiyos. Nag-uutos siya sa mga tao na sumamba sa kanya. Pumapaslang siya sa sinumang niloob niya mula sa kanila. Nang-aapi sa sinumang niloloob niya. Nagpabatid sa atin si Allāh (napakataas Siya) sa sabi Niya:
{Tunay na si Paraon ay nagmataas sa lupain at gumawa sa mga naninirahan doon bilang mga kampihan habang naniniil sa isang pangkatin kabilang sa kanila: pinagkakatay niya ang mga lalaking anak nila at pinamumuhay niya ang mga babae nila. Tunay na siya noon ay kabilang sa mga tagagulo.
Nagnanais Kami na magmagandang-loob Kami sa mga siniil sa lupain, gumawa Kami sa kanila na mga pinuno, gumawa Kami sa kanila na mga tagapagmana,
[Nagnanais Kami na] magbigay-kapangyarihan Kami sa kanila sa lupain at magpakita Kami kay Paraon, kay Hāmān, at sa mga kawal nilang dalawa kabilang sa kanila ng pinangingilagan nila noon.
Nagkasi Kami sa ina ni Moises, na [nagsasabi]: “Magpasuso ka sa kanya; ngunit kapag nangamba ka para sa kanya ay itapon mo siya sa ilog at huwag kang mangamba at huwag kang malungkot. Tunay na Kami ay magsasauli sa kanya sa iyo at gagawa sa kanya kabilang sa mga isinugo.”[1]
Kaya napulot siya ng mag-anak ni Paraon upang siya para sa kanila ay maging isang kaaway at isang kalungkutan. Tunay na si Paraon, si Hāmān, at ang mga kawal nilang dalawa ay mga nagkakamali noon.
Nagsabi ang maybahay ni Paraon: “Isang lugod ng mata para sa akin at para sa iyo, huwag ninyo siyang patayin; marahil magpakinabang siya sa atin o magturing tayo sa kanya bilang anak,” habang sila ay hindi nakararamdam.
Ang puso ng ina ni Moises ay naging hungkag. Tunay na muntik talagang maglantad ito sa kanya kung sakaling hindi Kami nagbigkis sa puso nito upang ito ay maging kabilang sa mga mananampalataya.
Nagsabi ito sa babaing kapatid niya: “Magsubaybay ka sa kanya.” Kaya nakakita iyon sa kanya mula sa malayo habang sila ay hindi nakararamdam.
Nagbawal Kami sa kanya ng [ibang] mga tagapasuso bago pa niyan, kaya nagsabi iyon: “Magtuturo po kaya ako sa inyo ng isang bahay na kakandili sa kanya para sa inyo habang sila sa kanya ay mga tagapagpayo?”
Kaya nagsauli Kami sa kanya sa ina niya upang magalak ang mata nito at hindi ito malungkot at upang makaalam ito na ang pangako ni Allāh ay totoo, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.
Noong umabot siya sa kalakasan niya at nalubos siya sa pag-iisip ay nagbigay Kami sa kanya ng karunungan at kaalaman. Gayon Kami gumaganti sa mga tagagawa ng maganda.
Pumasok siya sa lungsod sa isang sandali ng pagkalingat ng mga naninirahan doon saka nakatagpo siya roon ng dalawang lalaking nag-aaway. Itong [una] ay kabilang sa kakampi niya at itong [ikalawa] ay kabilang sa kaaway niya. Nagpasaklolo sa kanya ang kabilang sa kakampi niya laban sa kabilang sa kaaway niya. Kaya binuntal ito ni Moises saka napaslang niya ito. Nagsabi siya: “Ito ay kabilang sa gawain ng demonyo; tunay na siya ay isang kaaway na tagapagligaw na malinaw.”
Nagsabi siya: “Panginoon ko, tunay na ako ay lumabag sa katarungan sa sarili ko kaya magpatawad Ka sa akin.” Kaya nagpatawad Siya rito. Tunay na Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.
Nagsabi siya: “Panginoon ko, dahil sa ibiniyaya Mo sa akin, hindi ako magiging isang mapagtaguyod para sa mga salarin.”
Kaya siya sa lungsod ay naging kinakabahang nag-aantabay, saka biglang ang nagpaadya sa kanya kahapon ay nagpapasalba na naman sa kanya. Nagsabi sa kanya si Moises: “Tunay na Ikaw ay talagang isang lisyang malinaw.”
Kaya noong nagnais siya na sumunggab sa isang kaaway para sa kanilang dalawa ay nagsabi iyon: “O Moises, nagnanais ka ba na pumatay sa akin gaya ng pagpatay mo ng isang tao kahapon? Wala kang ninanais kundi ikaw ay maging isang palasupil sa lupain at hindi ka nagnanais na ikaw ay maging kabilang sa mga tagapagsaayos.”
May dumating na isang lalaki mula sa pinakamalayo ng lungsod, na tumatakbo. Nagsabi ito: “O Moises, tunay ang pamunuan ay nagpupulong hinggil sa iyo upang patayin ka nila kaya lumisan ka. Tunay na ako para sa iyo ay kabilang sa mga tagapagpayo.”
Kaya lumisan siya mula roon habang kinakabahang nag-aantabay. Nagsabi siya: “Panginoon ko, iligtas Mo ako laban sa mga taong tagalabag sa katarungan.”
Noong nakadako siya sa bandang Madyan ay nagsabi siya: “Marahil ang Panginoon ko ay magpapatnubay sa akin sa katumpakan ng landas.”
Noong nakarating siya sa tubigan ng Madyan, nakatagpo siya roon ng isang kalipunan ng mga tao na nagpapainom [ng kawan] at nakatagpo siya bukod pa sa kanila ng dalawang babaing pumipigil [sa kawan]. Nagsabi siya: “Ano ang lagay ninyong dalawa?” Nagsabi silang dalawa: “Hindi kami nagpapainom [ng kawan] hanggang sa magpaalis ang mga pastol [ng kawan nila]. Ang ama namin ay lubhang matanda.”
Kaya nagpainom siya [sa kawan] para sa kanilang dalawa. Pagkatapos tumalikod siya patungo sa lilim saka nagsabi: “Panginoon ko, tunay na ako, sa pinababa Mo sa akin na anumang biyaya, ay maralita.”
Kaya dumating sa kanya ang isa sa dalawang babae, na naglalakad sa pagkahiya. Nagsabi ito: “Tunay na ang ama ko ay nag-aanyaya sa iyo upang gumanti siya sa iyo ng pabuya sa pagpainom mo [sa kawan] para sa amin.” Kaya noong dumating siya roon at nagsalaysay siya roon ng mga kasaysayan [niya] ay nagsabi iyon: “Huwag kang mangamba; naligtas ka mula sa mga taong tagalabag sa katarungan.”
Nagsabi ang isa sa kanilang dalawa: “O Ama ko, upahan mo siya; tunay na ang pinakamabuti na sinumang upahan mo ay ang malakas na mapagkakatiwalaan.”
Nagsabi iyon: “Tunay na ako ay nagnanais na ipakasal ko sa iyo ang isa sa dalawang babaing anak ko na ito sa kundisyong magpaupa ka sa akin nang walong taon, ngunit kung lulubusin mo sa sampung [taon] ay nasa ganang iyo. Hindi ako nagnanais na magpabigat sa iyo. Matatagpuan mo ako, kung niloob ni Allāh, na kabilang sa mga maayos.”
Nagsabi siya: “Iyon ay sa pagitan ko at sa pagitan mo. Alin man sa dalawang taning na matatapos ko ay walang paglabag sa akin. Si Allāh sa anumang sinasabi natin ay Pinananaligan.”
Kaya noong natapos ni Moises ang taning at humayo siya kasama ng mag-anak niya, nakatanaw siya mula sa gilid ng bundok ng isang apoy. Nagsabi siya sa mag-anak niya: “Manatili kayo; tunay na ako ay nakatanaw ng isang apoy. Harinawa ako ay makapaghahatid sa inyo mula roon ng isang ulat o isang baga mula sa apoy nang harinawa kayo ay makapagpapainit.”
Kaya noong nakapunta siya roon, tinawag siya mula sa kanang pangpang ng lambak, sa pook na pinagpala, mula sa punong-kahoy, na [nagsasabi]: “O Moises, tunay na Ako ay si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.
Pumukol ka ng tungkod mo.” Ngunit noong nakita niya ito na kumikislut-kislot na para bang ito ay isang ahas, tumalikod siya habang lumilisan at hindi lumingon. [Sinabi]: “O Moises, lumapit ka at huwag kang mangamba; tunay na ikaw ay kabilang sa mga tiwasay.
Isingit mo ang kamay mo sa eskotadura mo, lalabas ito na maputi na walang sakit. Iyapos mo sa iyo ang kamay mo laban sa kilabot. Kaya ang dalawang iyon ay dalawang patotoo mula sa Panginoon mo kay Paraon at sa konseho nito. Tunay na sila noon ay mga taong suwail.”
Nagsabi ito: “Panginoon ko, tunay na ako ay nakapatay mula sa kanila ng isang tao kaya nangangamba ako na patayin nila ako.
Ang kapatid ko na si Aaron ay higit na matatas kaysa sa akin sa dila, kaya isugo Mo siya kasama sa akin bilang alalay na magpapatotoo sa akin. Tunay na ako ay nangangamba na magpasinungaling sila sa akin.”
Nagsabi Siya: “Magpapalakas Kami sa bisig mo sa pamamagitan ng kapatid mo at maglalagay Kami para sa inyong dalawa ng isang pangingibabaw kaya hindi sila makapagpapaabot sa inyong dalawa [ng pinsala]. Dahil sa mga tanda Namin, kayong dalawa at ang sinumang sumunod sa inyo ay ang mga tagapanaig.}
(Qur’ān 28:4-35)
[1] Naglagay sa kanya ang ina niya sa kaban at itinapon nito siya sa ilog.
Kaya lumisan si Moises at ang kapatid niyang si Aaron patungo kay Paraon, ang haring mapagmalaki, upang mag-anyaya silang dalawa roon tungo sa pagsamba kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang:
{Nagsabi si Paraon: “At ano ang Panginoon ng mga nilalang?”
Nagsabi siya: “Ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, kung kayo ay naging mga nakatitiyak.”
Nagsabi iyon sa nakapaligid doon: “Hindi ba kayo nakikinig?”
Nagsabi siya: “Ang Panginoon ninyo at ang Panginoon ng mga ninuno ninyong sinauna.”
Nagsabi iyon: “Tunay na ang sugo ninyo na isinugo sa inyo ay talagang baliw.”
Nagsabi siya: “Ang Panginoon ng silangan at kanluran at anumang nasa pagitan ng dalawang ito, kung kayo ay naging nakapag-uunawa.”
Nagsabi iyon: “Talagang kung gumawa ka ng isang diyos na iba pa sa akin ay talagang gagawa nga ako sa iyo kabilang sa mga ibinilanggo.”
Nagsabi siya: “Kahit pa ba naghatid ako sa iyo ng isang bagay na malinaw?”
Nagsabi iyon: “Kaya maglahad ka nito kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat.”
Kaya pumukol siya ng tungkod niya saka biglang ito ay isang ulupong na malinaw.
Humugot siya ng kamay niya saka biglang ito ay maputi para sa mga tagatingin.
Nagsabi iyon sa konseho sa paligid niyon: “Tunay na ito ay talagang isang manggagaway na maalam.
Nagnanais siya na magpalabas sa inyo mula sa lupain ninyo sa pamamagitan ng panggagaway niya; kaya ano ang ipag-uutos ninyo?”
Nagsabi sila: “Mag-antala ka sa kanya at sa kapatid niya at magpadala ka sa mga lungsod ng mga tagakalap,
na magdadala sa iyo ng bawat mapanggaway na maalam.”
Kaya tinipon ang mga manggagaway para sa itinakdang oras ng isang araw na nalalaman.
Sinabi sa mga tao: “Kayo kaya ay mga magtitipon?
Nang sa gayon tayo ay susunod sa mga manggagaway kung sila ay magiging ang mga tagapanaig.”
Kaya noong dumating na ang mga manggagaway ay nagsabi sila kay Paraon: “Tunay ba na mayroon kaming pabuya kung kami ay naging ang mga tagapanaig?”
Nagsabi iyon: “Oo, at tunay na kayo samakatuwid ay talagang kabilang sa mga palalapitin [sa akin].”
Nagsabi sa kanila si Moises: “Pumukol kayo ng anumang kayo ay mga pupukol.”
Kaya pumukol sila ng mga lubid nila at mga tungkod nila at nagsabi sila: “Sumpa man sa kapangyarihan ni Paraon, tunay na kami, talagang kami, ay ang mga tagapanaig.”
Kaya pumukol si Moises ng tungkod niya saka biglang ito ay lumalamon sa ipinanlilinlang nila.
Kaya napahandusay ang mga manggagaway na mga nakapatirapa.
Nagsabi sila: “Sumampalataya kami sa Panginoon ng mga nilalang,
ang Panginoon nina Moises at Aaron.”
Nagsabi iyon: “Naniwala kayo sa kanya bago ako magpahintulot sa inyo? Tunay na siya ay talagang ang pasimuno ninyo na nagturo sa inyo ng panggagaway, kaya talagang malalaman ninyo. Talagang magpuputul-putol nga ako ng mga kamay ninyo at mga paa ninyo nang magkabilaan at talagang magbibitin nga ako sa inyo nang magkakasama.”
Nagsabi sila: “Walang kapinsalaan; tunay na kami ay sa Panginoon namin mga uuwi.
Tunay na kami ay nagmimithi na magpatawad sa amin ang Panginoon namin sa mga pagkakamali namin dahil kami ay naging una sa mga mananampalataya.”
Nagkasi Kami kay Moises: “Maglakbay ka sa gabi kasama ng mga lingkod Ko; tunay na kayo ay mga susundan.”
Kaya nagsugo si Paraon sa mga lungsod ng mga tagakalap, [na nagsasabi]:
“Tunay na ang mga ito ay talagang isang kawang kaunti.
Tunay na sila sa atin ay talagang mga nagpapangitngit.
Tunay na tayo ay talagang isang katipunang nag-iingat.”
Kaya nagpalabas Kami sa kanila mula sa mga hardin at mga bukal,
at mga kayamanan at pinananatilihang marangal.
Gayon nga, at nagpamana Kami ng mga ito sa mga anak ni Israel.
Kaya sumunod ang mga iyon sa kanila nang sumisikat [ang araw].
Kaya noong nagkakitaan ang dalawang pangkat, nagsabi ang mga kasamahan ni Moises: “Tunay na tayo ay talagang mga maaabutan.”
Nagsabi siya: “Aba’y hindi; tunay na kasama sa akin, ang Panginoon ko ay magpapatnubay sa akin.”
Kaya nagkasi Kami kay Moises, na [nagsasabi]: “Hampasin mo ng tungkod mo ang dagat.” Kaya nabiyak iyon saka ang bawat bahagi ay naging gaya ng bundok na dambuhala.
Nagpalapit Kami roon ng mga iba pa.
Nagligtas Kami kay Moises at sa sinumang kasama sa kanya nang magkakasama.
Pagkatapos lumunod Kami sa mga iba.
Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.}
(Qur’ān 26:23-68)
Kaya noong umabot kay Paraon ang pagkalunod, nagsabi siya: “Sumampalataya ako na walang Diyos kundi ang sinampalatayanan ng mga anak ni Israel.” Nagsabi naman si Allāh (napakataas Siya):
{Ngayon ba samantalang sumuway ka nga noon pa man, at ikaw dati ay kabilang sa mga tagatiwali?
Kaya sa araw na ito, magliligtas Kami sa iyo sa katawan mo upang ikaw para sa sinumang papalit sa iyo ay maging isang tanda. Tunay na marami sa mga tao sa mga tanda Namin ay talagang mga nalilingat.} (Qur’ān 10:91-92)
Nagpamana si Allāh sa mga tao ni Moises, na mga dating minamahina, ng mga silangan ng lupain at mga kanluran nito, na biniyayaan Niya, at winasak Niya ang dating niyayari ni Paraon at ng mga tao nito at ang dati nilang ipinatatayo.
Nagpababa si Allāh, matapos niyon, kay Moises ng aklat ng Torah. Dito ay may patnubay para sa mga tao at may liwanag na gumagabay sa kanila sa naiibigan ni Allāh at nagpapalugod sa Kanya. Narito ang paglilinaw sa ipinahihintulot at ipinagbabawal na kinakailangan sa mga anak ni Israel (mga kalipi ni Moises) ang pagsunod dito.
Pagkatapos pinapanaw si Moises (sumakanya ang pangangalaga) at nagpadala si Allāh matapos niya ng marami sa mga propeta sa mga kalipi niya, ang mga anak ni Israel, na gumagabay sa kanila sa tumpak na daan. Sa tuwing namamatay ang isang propeta, hinahalilihan ito ng isa pang propeta.
Nagsalaysay si Allāh ng ilan sa kanila sa atin, tulad nina David, Solomon, Job, at Zacarias, at hindi Siya nagsalaysay sa atin ng marami sa kanila, pagkatapos winakasan ang mga propetang ito [ng Israel] sa pamamagitan ni Jesus na anak ni Maria (sumakanya ang pangangalaga), na ang buhay ay puno ng mga himala sa simula ng pagkapanganak sa kanya hanggang sa pag-angat sa kanya sa langit.
Dumanas ang Torah, na pinababa ni Allāh kay Moises, sa paglipas ng mga salinlahi ng pagpilipit at pagpapalit sa kamay ng mga Hudyo na mga nagsasabi na sila raw ay mga tagasunod ni Moises (sumakanya ang pangangalaga) samantalang si Moises ay walang-kaugnayan sa kanila. Ang Torah na nasa mga kamay nila ay hindi na ang Torah na pinababa mula sa ganang kay Allāh yayamang nagpasok sila rito ng hindi nababagay ang pamumutawi niyon buhat kay Allāh. Naglarawan sila kay Allāh dito ng mga katangian ng kakulangan, kamangmangan, at kahinaan. Napakataas si Allāh higit sa sinasabi nila ayon sa kataasang malaki! Nagsabi si Allāh (napakataas Siya) kaugnay sa paglalarawan sa kanila:
{Kaya kapighatian ay ukol sa mga sumusulat ng kasulatan sa pamamagitan ng mga kamay nila. Pagkatapos nagsasabi silang ito ay mula sa ganang kay Allāh upang magbili sila nito sa kaunting halaga. Kaya kapighatian ay ukol sa kanila dahil sa sinulat ng mga kamay nila at kapighatian ay ukol sa kanila dahil sa nakakamit nila.}
(Qur’ān 2:79)