Ang RelihiyongIslām

Maglalahad nito ang mga teksto ng Qur'ān at Sunnah ng pinakamabuti sa mga tao

H. Ang Sugong si Shu`ayb (Sumakanya ang Pangangalaga)

Pagkatapos nagpadala si Allāh matapos niyon sa mga tao ng Madyan ng kapatid nilang si Shu`ayb matapos na naligaw sila palayo sa patnubay at lumaganap sa kanila ang mga masagwang kaasalan, ang paglabag sa mga tao, at ang pang-umit-umit sa takalan at timbangan. Nagpabatid sa atin si Allāh tungkol sa kanila sa sabi Niya:

{[Nagsugo sa] Madyan ng kapatid nilang si Shu`ayb. Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. May dumating nga sa inyo na isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo. Kaya magpalubus-lubos kayo ng pagtatakal at [pagtitimbang sa] timbangan, huwag kayong magpakulang sa mga tao sa mga bagay-bagay nila, at huwag kayong manggulo sa lupa matapos ng pagsasaayos nito. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay mga mananampalataya.

Huwag kayong umupo sa bawat landasin, na nagbabanta kayo at sumasagabal kayo sa landas ni Allāh sa sinumang sumampalataya sa Kanya, at naghahangad kayo rito ng isang kabaluktutan. Alalahanin ninyo, noong kayo dati ay kakaunti, pinarami Niya kayo. Tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagatiwali.

Kung may isang pangkatin kabilang sa inyo na sumampalataya sa ipinasugo sa akin at may isang pangkating hindi sumampalataya, magtiis kayo hanggang sa humatol si Allāh sa pagitan natin. Siya ay ang pinakamainam sa mga tagahatol.”

Nagsabi ang konseho na mga nagmalaki kabilang sa mga kalipi niya: “Talagang magpapalabas nga Kami sa iyo, O Shu`ayb, at sa mga sumampalataya kasama sa iyo mula sa pamayanan natin, o talagang manunumbalik nga kayo sa kapaniwalaan namin.” Nagsabi siya: “Kahit ba kami ay naging mga nasusuklam?

Gumawa-gawa nga kami laban kay Allāh ng isang kasinungalingan kung nanumbalik kami sa kapaniwalaan ninyo matapos noong nagligtas sa amin si Allāh mula roon. Hindi nagiging ukol sa amin na manumbalik kami roon maliban na loobin ni Allāh, ang Panginoon namin. Sumakop ang Panginoon namin sa bawat bagay sa kaalaman. Kay Allāh kami nananalig. Panginoon namin, humusga Ka sa pagitan namin at ng mga kalipi namin ayon sa katotohanan, at Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga tagahusga.”

Nagsabi ang konseho na mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga kalipi niya: “Talagang kung sumunod kayo kay Shu`ayb, tunay na kayo samakatuwid ay talagang mga lugi.”

Kaya dumaklot sa kanila ang yanig, saka sila, sa tahanan nila, ay naging mga [patay na] nakasubsob.

Ang mga nagpasinungaling kay Shu`ayb ay para bang hindi nanirahan doon. Ang mga nagpasinungaling kay Shu`ayb, sila noon ay ang mga lugi.

Kaya tumalikod siya sa kanila at nagsabi: “O mga kalipi ko, talaga ngang nagpaabot ako sa inyo ng mga pasugo ng Panginoon ko at nagpayo ako sa inyo, kaya papaano akong magdadalamhati sa mga taong tagatangging sumampalataya?”} (Qur’ān 7:85-93)

About The Author