F. Ang Sugong si Abraham (Sumakanya ang Pangangalaga)
Pagkatapos ipinadala ni Allāh matapos niyon si Abraham (sumakanya ang pangangalaga) sa mga kababayan niya matapos na naligaw sila at sumamba sila sa mga planeta at mga anito. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):
{Talaga ngang nagbigay Kami kay Abraham ng pagkagabay niya bago pa niyan. Laging Kami sa kanya ay nakaaalam.
[Banggitin] noong nagsabi siya sa ama niya at mga kababayan niya: “Ano ang mga istatuwang ito na kayo sa mga ito ay mga namimintuho?”
Nagsabi sila: “Nakatagpo Kami sa mga magulang namin na sa mga ito ay mga tagasamba.”
Nagsabi siya: “Talaga ngang kayo at ang mga ninuno ninyo ay nasa isang pagkaligaw na malinaw.”
Nagsabi sila: “Naghatid ka ba sa amin ng katotohanan o ikaw ay kabilang sa mga tagapaglaro?”
Nagsabi siya: “Bagkus ang Panginoon ninyo ay ang Panginoon ng mga langit at lupa, na lumalang sa mga ito, at ako ayon doon ay kabilang sa mga tagasaksi.
Sumpa man kay Allāh, talagang manlalansi nga ako laban sa mga anito ninyo matapos na tumalikod kayo habang mga lumilisan.”
Kaya gumawa siya sa mga ito na mga pira-piraso maliban sa isang malaki para sa mga ito nang sa gayon sila tungo rito ay babalik.
Nagsabi sila: “Sino ang gumawa nito sa mga diyos natin? Tunay na siya ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.”
Nagsabi sila: “Nakarinig kami ng isang binatang bumabanggit sa kanila, na sinasabi siyang si Abraham.”
Nagsabi sila: “Kaya magdala kayo sa kanya sa mga mata ng mga tao nang gayon sila ay sasaksi.”
Nagsabi sila: “Ikaw ba ay gumawa nito sa mga diyos namin, O Abraham?”
Nagsabi siya: “Bagkus ginawa iyan ng malaki nilang ito kaya magtanong kayo sa kanila kung sila ay nakabibigkas.”
Kaya bumalik sila sa mga sarili nila saka nagsabi sila: “Tunay na kayo ay ang mga tagalabag sa katarungan.”
Pagkatapos nanumbalik sila sa [katigasan ng] mga ulo nila, [na nagsasabi]: “Talaga ngang nalaman mong ang mga ito ay hindi nakabibigkas.”
Nagsabi siya: “Kaya sumasamba ba kayo sa bukod pa kay Allāh, na hindi nagpapakinabang sa inyo ng anuman at hindi nakapipinsala sa inyo?
Pagkasuya ay sa inyo at ukol sa anumang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh! Kaya ba hindi kayo nakapag-uunawa?”
Nagsabi sila: “Sunugin ninyo siya at iadya ninyo ang mga diyos ninyo kung kayo ay mga gagawa.”
Nagsabi Kami: “O apoy, maging kalamigan at kaligtasan ka kay Abraham.”
Nagnais sila sa kanya ng isang panlalansi ngunit gumawa Kami sa kanila bilang ang mga pinakalugi.}
(Qur’ān 21:51-70)
Pagkatapos lumikas si Abraham (sumakanya ang pangangalaga) at ang anak niyang si Ismael matapos niyon mula sa Palestina patungo sa Makkah. Nag-utos si Allāh sa kanya at sa anak niyang si Ismael na ipatayo ang pinarangalang Ka`bah. Inanyayahan ni Abraham ang mga tao sa pagsasagawa ng ḥajj doon at pagsamba kay Allāh sa tabi niyon. [Nagsabi si Allāh:]
{Naghabilin Kami kina Abraham at Ismael na dalisayin nilang dalawa ang Bahay Ko para sa mga lumilibot, mga namimintuho, at mga yumuyukod na nagpapatirapa.}
(Qur’ān 2:125)