E. Ang Sugong si Ṣāliḥ (Sumakanya ang Pangangalaga)
Pagkatapos may lumipas na isang yugto ng panahon at lumitaw naman ang lipi ng Thamūd sa hilaga ng Arabya. Naligaw sila palayo sa patnubay gaya ng pagkaligaw ng mga bago pa nila. Kaya naman nagsugo si Allāh sa kanila ng isang sugong kabilang sa kanila, na si Ṣāliḥ (sumakanya ang pangangalaga), at umalalay Siya rito sa pamamagitan ng isang tanda na nagpapatunay sa katapatan nito. Ito ay isang dakilang dumalagang kamelyo na walang kapareho sa mga nilikha. Nagpabatid sa atin si Allāh (napakataas Siya) hinggil sa pabatid dito sapagkat nagsabi Siya:
{[Nagsugo sa] Thamūd ng kapatid nilang si Ṣāliḥ. Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. May dumating nga sa inyo na isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo. Ito ay dumalagang kamelyo ni Allāh; para sa inyo ay isang tanda, kaya hayaan ninyo itong manginain sa lupain ni Allāh at huwag ninyong salingin ito ng isang kasagwaan para hindi kayo daklutin ng isang pagdurusang masakit.
Alalahanin ninyo noong gumawa Siya sa inyo na mga kahalili nang matapos ng [lipi ng] `Ād at nagpatahan Siya sa inyo sa lupain. Gumagawa kayo mula sa mga kapatagan nito ng mga palasyo at lumililok kayo ng mga bundok na maging mga bahay. Kaya alalahanin ninyo ang mga biyaya ni Allāh at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo.”
Nagsabi ang konseho na mga nagmalaki kabilang sa mga kalipi niya sa mga minamahina – sa sinumang sumampalataya kabilang sa kanila: “Nakaaalam ba kayo na si Ṣāliḥ ay isang isinugo mula sa Panginoon niya?” Nagsabi ang mga ito: “Tunay na kami sa ipinasugo sa kanya ay mga mananampalataya.”
Nagsabi ang mga nagmalaki: “Tunay na kami sa sinampalatayanan ninyo ay mga tagatangging sumampalataya.”
Kaya kinitil nila ang dumalagang kamelyo, nanampalasan sila sa utos ng Panginoon nila, at nagsabi sila: “O Ṣāliḥ, maglahad ka sa amin ng ipinangangako mo sa amin kung ikaw ay kabilang sa mga isinugo.”
Kaya dumaklot sa kanila ang yanig, saka sila, sa tahanan nila, ay naging mga [patay na] nakasubsob.
Kaya tumalikod siya sa kanila at nagsabi: “O mga kalipi ko, talaga ngang nagpaabot ako sa inyo ng pasugo ng Panginoon ko at nagpayo ako sa inyo subalit hindi kayo umiibig sa mga tagapagpayo.”}
(Qur’ān 7:73-79)
Nagsugo si Allāh matapos niyon ng maraming sugo sa mga kalipunan ng lupa. Walang anumang kalipunan malibang may nagdaan doon na isang mapagbabala. Nagpabatid sa atin si Allāh tungkol sa ilan sa kanila at hindi Siya nagpabatid sa atin tungkol sa marami sa kanila. Lahat sila ay isinusugo kalakip ng iisang pasugo, na pag-uutos sa mga tao ng pagsamba kay Allāh lamang nang walang katambal sa Kanya at ng pagtapon ng pagsamba sa iba pa kay Allāh. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):
{Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: “Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa mapagmalabis.” Kaya mayroon sa kanila na pinatnubayan ni Allāh at mayroon sa kanila na nagindapat sa kanya ang kaligawan. Kaya humayo kayo sa lupain saka tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagapagpasinungaling.}
(Qur’ān 16:36)