D. Ang Pagmamalasakit ng mga Muslim sa Katumpakan ng Pagpapaabot ng Relihiyong Ito
Yayamang ang mga sinabi ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ang mga ginawa niya, at ang mga sinang-ayunan niya ay ang tagapaglinaw ng Salita ni Allāh (napakataas Siya) na tagapaliwanag ng mga ipinag-uutos at mga sinasaway sa Relihiyong Islām, nag-ukol ang mga Muslim ng isang sukdulang pagmamalasakit sa katumpakan ng pagpapaabot ng mga ḥadīth na isinalaysay buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsumikap sila ng isang pagsisikap na sukdulan sa pagsala sa mga pagpapaabot na ito laban sa mga pagdaragdag na hindi bahagi ng salita ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at sa paglilinaw sa mga sinabing ipinansinungaling laban sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Naglagay sila para roon ng pinakaeksakto sa mga panuntunan at mga sistema na kinakailangan na isaalang-alang sa pagpapaabot ng mga ḥadīth na ito mula sa isang salinlahi patungo sa isang salinlahi.
Mag-uusap tayo sa paraang lubhang pinaiksi tungkol sa kaalamang ito (Kaalaman sa Ḥadīth) upang luminaw sa mambabasa ang bagay na iyon na ikinabubukod ng Kalipunang Islāmiko sa nalalabi sa mga kapaniwalaan at mga sekta kaugnay sa pinadali ni Allāh para rito na pag-iingat sa Relihiyon Niya bilang dalisay na puro na hindi nahahaluan ng mga kasinungalingan at mga pamahiin sa pagdaan ng mga yugto at mga panahon.
Talaga ngang nakasalig ang pagpapaabot ng Salita ni Allāh (napakataas Siya) at salita ng Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa dalawang bagay.
Ang pag-iingat sa mga memorya at ang pagsusulat sa mga titik. Ang mga sinaunang Muslim ay kabilang sa pinakamarami sa mga kalipunan sa kakayahan sa eksaktong pag-iingat at malawak na pagkaunawa dahil sa ikinatatangi nila na kadalisayan ng isip at lakas ng memorya. Ito ay malinaw na nalalaman ng sinumang nakatalos sa mga talambuhay nila at nakaalam sa mga pabatid hinggil sa kanila. Talaga ngang ang Kasamahan [ng Sugo] ay nakaririnig ng ḥadīth mula sa bibig ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsasaulo nito nang mahusay at nagpapaabot nito sa parte niya matapos niyon sa Tagasunod [ng mga Kasamahan ng Sugo] na nagsasaulo naman nito. Pagkatapos nagpapaabot siya nito sa sinumang matapos niya. Gayon nagpapatuloy ang kawing ng pagpapaabot ng ḥadīth hanggang sa isa sa mga maaalam ng ḥadīth na nagtatala ng mga ḥadīth na ito, nag-iingat ng mga ito sa memorya, nagtipon ng mga ito sa kasulatan, bumabasa ng kasulatang ito sa mga estudyante niya saka nagsasaulo naman sila ng mga ḥadīth na ito at sumusulat ng mga ito. Pagkatapos bumabasa naman sila ng mga ito sa mga estudyante nila. Ganito ang mga pag-uulit-ulit na nagkakasunuran hanggang sa dumating ang mga kasulatang ito sa lahat ng mga sumunod na salinlahi sa pamamagitan ng pamamaraang ito at istilong ito.
Dahil dito, walang tinatanggap nang walang-takda na isang ḥadīth tungkol sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang walang pagkaalam sa kawing ng pagpapaabot nito mula sa mga tagapagsalaysay na nagpaabot ng ḥadīth na ito sa atin.
Nagresulta sa bagay na ito rin ang isa pang kaalaman na ikinabukod ng Kalipunan ng Islām sa nalalabi sa mga kalipunan. Ito ay ang “Kaalaman sa mga Tagapagsalaysay o Kaalaman sa Pagtuligsa at Pagsasakatarungan.”
Ito ay isang kaalamang pumapatungkol sa pagkakaalam sa kalagayan ng mga tagapagsalaysay na ito na nagpapaabot ng mga ḥadīth ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat pumapatungkol ito sa mga personal na talambuhay nila kalakip ng petsa ng kapanganakan nila at pagpanaw nila sa pamamagitan ng pagkakilala sa mga guro nila at mga estudyante nila, pagsasadokumento ng mga maalam na nakakapanahon para sa kanila, saklaw ng katumpakan nila, kahusayan nila sa pagsasaulo, anumang tinataglay nila na pagkakamapagkakatiwalaan at katapatan ng pagsasalita, at iba pa roon na mga bagay-bagay na minamahalaga sa maalam sa ḥadīth upang makapagbigay-diin sa katumpakan ng ḥadīth na isinalaysay ayon sa paraan ng kawing ng mga tagapagsalaysay.
Tunay na ito ay isang kaalamang nabukod-tangi rito ang Kalipunang ito dala ng sigasig mula rito sa katumpakan ng salitang inuugnay sa Propeta nito. Hindi natatagpuan sa kasaysayan sa kabuuan nito mula sa simula nito hanggang sa araw nating ito na nangyari ang ganitong dambuhalang malakihang pagsisikap sa pagmamalasakit sa pagsasalita ng isa sa mga tao tulad ng pagmamalasakit sa pagsasalita (ḥadīth) ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Tunay na ito ay isang kaalamang dambuhalang nakatala sa mga kasulatang pinagmalasakitan ng isang lubos na malasakit sa pagsalaysay ng ḥadīth. Nabanggit ang mga detalyadong personal na talambuhay ng libu-libong tagapagsalaysay hindi dahil sa ano pa man kundi dahil sila ay naging ang instrumento sa pagpapaabot ng mga ḥadīth ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga salinlahi na sumunod sa kanila. Hindi nagkaroon sa kaalamang ito ng isang pambobola sa isa man sa mga tao; bagkus ito ay gaya ng timbangan sa kaeksaktuhan sa pagtuligsa: sinasabi tungkol sa palasinungaling na siya ay sinungaling, sa tapat na siya ay tapat, sa mahina ang memorya o malakas ang memorya na siya ay gayon. Naglagay sila para roon ng pinakaeksakto sa mga panuntunan na nalaman ng mga alagad ng sining na ito.
Ang ḥadīth ay hindi nagiging tumpak sa ganang kanila malibang kapag nagkadugtong ang kawing ng mga tagapagsalaysay sa isa’t isa at natagpuan sa mga tagapagsalaysay na ito ang katarungan at ang katapatan sa pakikipag-usap kalakip ng lakas ng pagsasaulo at pagkatama.
Ang Huling Usapin sa Kaalaman sa Ḥadīth
Ito ay hinggil sa pagkadami ng serye ng kawing ng pagpapaabot ng iisang ḥadīth kung saan nakararating ang ḥadīth na naisalaysay buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamamagitan ng higit na marami sa isang serye mula sa mga serye ng mga tagapagsalaysay, kaya nagkakaroon ang iisang ḥadīth ng dalawang kawing ng pagpapaabot o tatlo o apat na kawing ng pagpapaabot at magkaminsan ay sampung kawing ng pagpapaabot at magkaminsan ay higit pa roon.
Sa tuwing dumarami ang serye ng kawing ng pagpapaabot, lalong lumalakas ang ḥadīth at nadaragdagan ang tiwala sa pagkakaugnay nito sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat ang ḥadīth na isinalaysay ng higit sa sampung mapagkakatiwalaan sa lahat ng mga nibel nito ay tinatawag na ḥadīth na nagkatuluy-tuluyan (mutāwatir). Ito ay ang pinakamataas sa mga uri ng pagpapaabot para sa mga Muslim. Sa tuwing ang usapin ay mahalaga sa Relihiyong Islām gaya ng paglilinaw sa mga Haligi ng Islām, halimbawa, ang mga salaysay na nagkatuluy-tuluyan para rito ay higit na marami at dumarami ang kawing ng pagpapaabot ng salaysay para rito. Sa tuwing ang usapin ay kabilang sa mga sekondaryong usapin at mga itinuturing na kaibig-ibig, ang mga kawing ng pagpapaabot ng salaysay para rito ay higit na kaunti at ang pagpapahalaga rito ay higit na mahina.
Ang pinakamataas na pagpapahalaga sa salaysay na nagpahalaga ang mga Muslim sa kaeksaktuhan nito sa pagpapaabot ay ang Marangal na Qur’ān yayamang nagtamo ito ng isang mataas na malasakit sa pagsusulat sa mga titik, pagsasaulo sa mga memorya, at katumpakan sa mga salita nito, mga labasan ng tunog ng mga titik nito, at pamamaraan ng pagbasa nito. Naipaabot nga ito sa pamamagitan ng mga kawing ng pagpapaabot ng libu-libong tagapagsalaysay sa libu-libong salinlahi sa paglipas ng mga salinlahing nagkasunuran. Dahil doon, hindi nakapasok dito ang kamay ng paglilihis ni pagpapalit sa paglipas ng mga taon sapagkat ang kopya ng Qur’ān na binabasa sa kanluran ay ang mismong kopya ng Qur’an na binabasa sa silangan, ang mismong kopya ng Qur’ān na umiiral sa sarisaring pook ng Daigdig bilang pagpapatotoo sa sabi ni Allāh (napakataas Siya):
{Tunay na Kami ay nagbaba ng Paalaala at tunay na Kami rito ay talagang mag-iingat.}
(Qur’ān 15:9)
E. Sa pagpapatuloy…