C. Si Noe (Sumakanya ang Pangangalaga)
Sa pagitan ni Noe at ni Adan ay may sampung siglo. Nagsugo sa kanya si Allāh sa mga kababayan niya matapos na naligaw sila at naging sumasamba sa mga diyos na iba pa kay Allāh. Sila noon ay sumasamba sa mga anito, mga bato, at mga libingan. Kabilang sa pinakatanyag sa “mga diyos nila” ay sina Wadd, Suwā`, Yaghūth, Ya`ūq, at Nasr. Nagpadala sa kanya si Allāh sa kanila upang magpanumbalik siya sa kanila sa pagsamba kay Allāh lamang, gaya ng ipinabatid sa atin ni Allāh (napakataas Siya) hinggil doon sa sabi Niya:
{Talaga ngang nagsugo Kami kay Noe sa mga kababayan niya, saka nagsabi siya: “O mga kababayan ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan.”}
(Qur’ān 7:59)
Nagpatuloy siya na nag-aanyaya sa mga kababayan niya tungo sa pagsamba kay Allāh sa isang mahabang panahon ngunit walang sumampalataya kasama sa kanya kundi kaunti, kaya dumalangin siya sa Panginoon niya, na nagsasabi:
{“Panginoon ko, tunay na ako ay nag-anyaya sa mga kababayan ko sa gabi at maghapon,
ngunit walang naidagdag sa kanila ang pag-aanyaya ko kundi pagtakas.
Tunay na sa tuwing nag-anyaya ako sa kanila upang magpatawad Ka sa kanila ay naglalagay sila ng mga daliri nila sa mga tainga nila, nagtatalukbong sila ng mga damit nila, nagpupumilit sila, at nagmamalaki sila nang isang pagmamalaki.
Pagkatapos tunay na ako ay nag-anyaya sa kanila nang lantaran.
Pagkatapos tunay na ako ay nagpahayag sa kanila at nagtapat sa kanila nang isang pagtatapat.
Kaya nagsabi ako: Humingi kayo ng tawad sa Panginoon ninyo – tunay na Siya ay laging Palapatawad –
magpapadala Siya ng [ulan ng] langit sa inyo na nananagana,
mag-aayuda Siya sa inyo ng mga yaman at mga anak, gagawa Siya para sa inyo ng mga hardin, at gagawa Siya para sa inyo ng mga ilog.
Ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo umaasam kay Allāh sa kabunyian
samantalang lumikha nga Siya sa inyo sa mga yugto?}
(Qur’ān 5:14)
Sa kabilang ng tuluy-tuloy na pagsisikap na ito at kahanga-hangang sigasig sa kapatnubayan ng mga kababayan niya, gayon pa man, sila ay nagpasinungaling sa kanya, nanuya sa kanya, at nagbintang sa kanya ng mga paratang ng kabaliwan.
Kaya nagkasi si Allāh sa kanya na:
{“Hindi sasampalataya kabilang sa mga tao mo kundi ang sinumang sumampalataya na, kaya huwag kang mahapis sa anumang dati nilang ginagawa.
(Qur’ān 11:36)
Nag-utos si Allāh sa kanya na gumawa ng isang daong na ilululan dito ang lahat ng sumampalataya kasama sa kanya.
Yumayari siya ng daong. Sa tuwing may napadaan sa kanya na isang konseho kabilang sa mga tao niya ay nangungutya sila sa kanya. Nagsabi siya: “Kung nangungutya kayo sa amin, tunay na kami ay mangungutya sa inyo kung paanong nangungutya kayo,
saka makaaalam kayo sa kung sino ang pupuntahan ng isang pagdurusang magpapahiya sa kanya at dadapuan ng isang pagdurusang mananatili.”
[Gayon nga] hanggang sa nang dumating ang utos Namin at sumambulat ang pugon ay nagsabi Kami: “Maglulan ka sa loob niyon ng mula sa bawat dalawang magkapares, ng mag-anak mo – maliban sa nauna sa kanya ang hatol – at ng sinumang sumampalataya.” Walang sumampalataya kasama sa kanya kundi kaunti.
Nagsabi siya: “Sumakay kayo rito; sa ngalan ni Allāh ang paglalayag nito at ang pagdaong nito. Tunay na ang Panginoon ko ay talagang Mapagpatawad, Maawain.”
Ito ay naglayag lulan sila sa mga alon na gaya ng mga bundok. Nanawagan si Noe sa anak niya habang ito ay nasa pinaglayuan [nito]: “O anak ko, sumakay ka kasama sa amin at huwag kang maging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya.”
Nagsabi ito: “Kakanlong ako sa isang bundok na magsasanggalang sa akin laban sa tubig.” Nagsabi siya: “Walang tagapagsanggalang sa araw na ito laban sa pasya ni Allāh maliban sa kinaawaan Niya.” Humarang sa pagitan nilang dalawa ang mga alon, kaya ito ay naging kabilang sa mga nalunod.
Sinabi: “O lupa, lulunin mo ang tubig mo; o langit, pigilin mo [ang ulan].” Pinahupa ang tubig, natapos ang pasya, at lumuklok ito sa ibabaw ng [bundok ng] Jūdīy. Sinabi: “Kalayuan [sa awa] ay ukol sa mga taong tagalabag sa katarungan.”
Nanawagan si Noe sa Panginoon niya saka nagsabi: “O Panginoon ko, tunay na ang anak ko ay kabilang sa mag-anak ko. Tunay na ang pangako Mo ay ang totoo. Ikaw ay ang pinakatagahatol sa mga tagahatol.”
Nagsabi Siya: “O Noe, tunay na siya ay hindi kabilang sa mag-anak mo. Tunay na [ang paghiling na] ito ay gawang hindi maayos. Kaya huwag kang humiling sa Akin ng wala kang kaalaman hinggil doon. Tunay na Ako ay nangangaral sa iyo na baka ikaw ay maging kabilang sa mga mangmang.”
Nagsabi siya: “O Panginoon ko, tunay ako ay nagpapakupkop sa Iyo na humiling ako sa Iyo ng wala akong kaalaman hinggil doon. Kung hindi Ka magpapatawad sa akin at maaawa sa akin, ako ay magiging kabilang sa mga lugi.”
Sinabi: “O Noe, manaog ka nang may kapayapaan mula sa Amin at mga pagpapala sa iyo at sa mga kalipunan kabilang sa sinumang kasama sa iyo. May mga kalipunang pagtatamasain Namin, pagkatapos may sasaling sa kanila mula sa Amin na isang pagdurusang masakit.”}
(Qur’ān 11:38-48)