Ang RelihiyongIslām

Maglalahad nito ang mga teksto ng Qur'ān at Sunnah ng pinakamabuti sa mga tao

C. Ang Pagbabalik-loob Mula sa mga Ipinagbabawal

Ang malalaking kasalan at ang mga ipinagbabawal na ito na binanggit natin ay kinakailangan sa bawat Muslim na mag-ingat nang matinding pag-iingat laban sa pagkakasadlak sa mga ito sapagkat tunay na ang bawat gawain na ginagawa ng tao ay gagantihan sa Araw ng Pagbangon: kung mabuti ay mabuti [ang ganti] at kung masama ay masama [ang ganti].

Kapag bumagsak ang Muslim sa anuman mula sa mga ipinagbabawal na ito ay magdali-dali siya kaagad-agad sa pagbabalik-loob mula sa mga ito, pagdulog kay Allāh, at paghingi ng kapatawaran mula sa Kanya. Kailangan sa kanya, kung ang pagbabalik-loob niya ay tapat, na kumalas sa pagkakasalang ito na kinasadlakan niya, magsisi sa nagawa niya, at magtika na hindi manumbalik doon. Kung may naganap mula sa kanya na isang kawalang-katarungan sa isa man, pagbabayaran niya ito o hihilingan niya ito ng pagpapalampas. Sa sandaling iyon, ang pagbabalik-loob niya ay magiging tapat at tatanggapin ni Allāh sa kanya ang pagbabalik-loob at hindi magpaparusa sa kanya dahil doon. Ang nagbabalik-loob mula sa pagkakasala ay gaya ng sinumang walang pagkakasala.

Kailangan sa kanya na humingi ng tawad kay Allāh nang madalas; bagkus kailangan sa bawat Muslim na magpadalas sa paghingi ng tawad mula sa anumang nabatid niya na mga kamaliang maliit o malaki. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

{Humingi kayo ng tawad sa Panginoon ninyo – tunay na Siya ay laging Palapatawad –}

(Qur’ān 71:10)

Kaya ang kadalasan ng pagsisisi at pagbabalik-loob kay Allāh ay katangian ng mga mananampalatayang nagmamababang-loob . Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

{Sabihin mo [na sinabi Ko]: “O mga lingkod Ko na nagpakalabis laban sa mga sarili nila, huwag kayong malagutan ng pag-asa sa awa ni Allāh; tunay na si Allāh ay nagpapatawad sa mga pagkakasala nang lahatan. Tunay na Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.”

Nagsisising bumalik kayo sa Panginoon ninyo at magpasakop kayo sa Kanya bago pa pumunta sa inyo ang pagdurusa, pagkatapos hindi kayo maiaadya.}

(Qur’ān 39:53-54)

About The Author