Ang RelihiyongIslām

Maglalahad nito ang mga teksto ng Qur'ān at Sunnah ng pinakamabuti sa mga tao

B. Bakit tayo nilikha ni Allāh?

Ang pagsagot sa malaking tanong na ito ay nasa kasukdulan ng kahalagahan subalit bahagi ng pagkakinakailangan na hanguin ang pagsagot mula sa makadiyos na pagkakasi sapagkat si Allāh ay ang lumikha sa atin at Siya ay ang nagpapabatid sa atin ng layon na alang-alang dito ay nilikha Niya tayo. Nagsabi Siya (kapita-pitagan ang pumapatungkol sa Kanya):

{Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.}

(Qur’ān 51:56)

Kaya naman ang pagkamananamba ay ang katangiang nagbubuklod sa mga nilikha ni Allāh na hindi nakabibilang sa mga ito ang bilang, mula sa pinakamaharlika sa mga nilikha (ang mga anghel) hanggang sa iba pa sa kanila kabilang sa mga kahanga-hanga sa nilikha ni Allāh. Ang lahat ng mga kalipunang ito ay naisanaturalesa at naisakalikasan sa pagkabuo ng buhay ng mga ito ayon sa pagkamananamba at pagluluwalhati kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.

{Nagluluwalhati sa Kanya ang pitong langit, ang lupa, at ang sinumang nasa mga ito. Walang anumang bagay kundi nagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Kanya ngunit hindi kayo nakauunawa sa pagluluwalhati nila.}

(Qur’ān 17:44)

Ang mga anghel ay binibigyang-sigla sa pagluluwalhati gaya ng pagbibigay-sigla sa mga anak ni Adan sa paghinga.

Subalit ang pagkamananamba ng tao sa Tagalikha niya ay kusang-loob at hindi sapilitan (kusang-loob na pampagsusulit).

{Siya ay ang lumikha sa inyo, saka kabilang sa inyo ay tagatangging sumampalataya at kabilang sa inyo ay mananampalataya. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.}

(Qur’ān 64:2)

{Hindi mo ba napag-alaman na kay Allāh ay nagpapatirapa ang sinumang nasa mga langit, ang sinumang nasa lupa, ang araw, ang buwan, ang mga bituin, ang mga bundok, ang mga punong-kahoy, ang mga hayop, at ang marami sa mga tao. May marami na nagindapat sa kanila ang pagdurusa. Ang sinumang hinahamak ni Allāh ay walang ukol sa kanya na anumang tagapagparangal.}

(Qur’ān 22:18)

Kaya si Allāh ay lumikha sa atin para sa pagsamba sa Kanya at para sumulit sa tagumpay natin sa pagsasakatuparan ng pagsambang ito. Kaya ang sinumang sumamba kay Allāh, umibig sa Kanya, nagpakumbaba sa Kanya, tumalima sa mga ipinag-uutos Niya, at umiwas sa mga sinasaway Niya ay magkakamit ng kaluguran Niya, awa Niya, at pag-ibig Niya, at gagantihan Niya ng magandang ganti.

Ang sinumang tumanggi sa pagsamba kay Allāh na lumikha sa kanya at tumustos sa kanya, at nagmalaki sa pagtanggi rito at tumanggi sa pagpapaakay sa mga ipinag-uutos ni Allāh at sa pag-iwas sa mga sinasaway Niya, nagindapat nga ito sa galit ni Allāh, pagkainis Niya, at masakit sa parusa Niya. Si Allāh (kapita-pitagan Siya at kataas-taasan) ay hindi lumikha sa atin nang walang-kabuluhan at hindi nag-iwan sa atin nang napababayaan. Tunay na kabilang sa pinakamangmang sa mga tao at pinakahangal sa mga tao ang sinumang nagpalagay na siya ay lumabas sa Mundong ito at pinagkalooban ng pandinig, paningin, at pagkaunawa, pagkatapos namuhay sa buhay na ito sa isang yugto ng panahon, pagkatapos mamatay habang hindi siya nakaaalam kung bakit siya dumating sa Mundong ito at sa kung saan siya pupunta matapos nito. Si Allāh (kapita-pitagan Siya at kataas-taasan) ay nagsasabi:

{Kaya nagpalagay ba kayo na lumikha Kami sa inyo nang walang-kabuluhan lamang, at na kayo tungo sa Amin ay hindi pababalikin?}

(Qur’an 23:115)

Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh, nananalig sa Kanya, nagpapahatol sa Kanya, umiibig sa Kanya, nagpapakumbaba sa Kanya, nagpapakalapit-loob sa Kanya sa pamamagitan ng mga pagsamba, at naghahanap ng nagpapalugod sa Kanya sa bawat pook ay hindi nakakapantay sa ganang Kanya ng sinumang tumatangging sumampalataya sa Kanya na lumikha sa tao at nagbigay-anyo rito, nagpapasinungaling sa mga tanda Niya at Relihiyon Niya, at umaayaw sa pagpapakumbaba sa utos Niya.

Ang una ay magtatamo ng pagpaparangal, gantimpala, pag-ibig, at pagkalugod; at ang huli ay tatamaan ng pagkainis, galit, at parusa.

[Ito ay] yayamang bubuhayin ni Allāh ang mga tao matapos ng kamatayan nila mula sa mga libingan nila at gagantihan Niya ang tagagawa ng mabuti kabilang sa kanila ng kaginhawahan at pagpaparangal sa mga Hardin ng Kaginhawahan at parurusahan naman Niya ang tagagawa ng masagwa na nagmamalaking umaayaw sa pagsamba sa Kanya ng pagdurusa sa tahanan ng Impiyerno.

Bahala ka na mag-isip-isip ng kasukdulan ng pagpaparangal at gantimpala sa tagagawa ng maganda kapag ang gantimpala at ang pagpaparangal na ito ay mula kay Allāh, ang Walang-pangangailangan, ang Mapagbigay na walang hangganan sa pagkamapagbigay Niya at awa Niya at hindi nauubos ang mga kayamanan Niya. Tunay na ang gantimpalang ito ay magiging isang tugatog sa kaginhawahan, na hindi magwawakas at hindi maglalaho. (Ito ang pag-uusapan natin mamaya.)

Gayon din, bahala ka na magguniguni sa tindi ng kaparusahan at sakit ng pagdurusa para sa tagatangging sumampalataya kapag namumutawi ito mula kay Allāh, ang Palasupil, ang Makapagmamalaki, na walang hangganan sa pagsupil niya at pagkamakapagmamalaki Niya.

About The Author