B. Ang Kauna-unahan sa mga Sugo, ang Ama Nating si Adan (Sumakanya ang Pangangalaga)
Nilikha ni Allāh ang ama nating si Adan (sumakanya ang pangangalaga) mula sa putik, pagkatapos umihip Siya rito mula sa Espiritu Niya. Nagsabi si Allāh (kapita-pitagan ang pumapatungkol sa Kanya):
{Talaga ngang lumikha Kami sa inyo. Pagkatapos nag-anyo Kami sa inyo. Pagkatapos nagsabi Kami sa mga anghel: “Magpatirapa kayo kay Adan,” kaya nagpatirapa sila maliban si Satanas; hindi siya naging kabilang sa mga nagpapatirapa.
Nagsabi Siya: “Ano ang pumigil sa iyo na hindi ka magpatirapa noong nag-utos Ako sa iyo?” Nagsabi ito: “Ako ay higit na mainam kaysa sa kanya. Lumikha Ka sa akin mula sa apoy samantalang lumikha Ka sa kanya mula sa putik.”
Nagsabi Siya: “Kaya lumapag ka mula rito sapagkat hindi nagiging ukol sa iyo na magpakamalaki rito. Kaya lumabas ka; tunay na ikaw ay kabilang sa mga nanliliit.”
Nagsabi ito: “Magpaliban Ka sa akin hanggang sa araw na bubuhayin sila.”
Nagsabi Siya: “Tunay na ikaw ay kabilang sa mga ipagpapaliban.”}
(Qur’ān 7:11-15)
Humiling ang demonyo kay Allāh na mag-antabay sa kanya at huwag magmadali sa kanya sa kaparusahan at na magpahintulot sa kanya sa paglisya kay Adan at sa mga supling nito dala ng pagkainggit at pagkasuklam sa kanila. Kaya nagpahintulot naman si Allāh dahil sa isang kasanhiang ninais Niya. Nangibabaw ang demonyo sa paglisya kay Adan at sa mga supling nito maliban sa mga nagpapakawagas na lingkod ni Allāh. Nag-utos si Allāh kay Adan at sa mga anak niya na huwag silang sumamba sa demonyo, huwag silang sumuko sa paglisya nito, at magpakupkop sila sa Kanya laban doon. Nagsimula ang kauna-unahan sa paglisya mula sa demonyo kay Adan at sa maybahay niyang si Eva (na nilikha ni Allāh mula sa tadyang niya) ayon sa kasaysayan na binanggit ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya):
{O Adan, manahan ka at ang asawa mo sa Paraiso, saka kumain kayong dalawa mula saanman ninyo loobin ngunit huwag kayong dalawa lumapit sa punong-kahoy na ito para kayong dalawa ay [hindi] maging kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.”
Ngunit nagpasaring sa kanilang dalawa ang demonyo upang magtambad siya sa kanilang dalawa ng binalot para sa kanilang dalawa mula sa kahubaran nilang dalawa. Nagsabi siya: “Hindi sumaway sa inyong dalawa ang Panginoon ninyong dalawa laban sa punong-kahoy na ito maliban na kayong dalawa ay maging mga anghel o kayong dalawa ay maging kabilang sa mga nananatiling-buhay.”
Nakipagsumpaan siya sa kanilang dalawa: “Tunay na ako para sa inyong dalawa ay kabilang sa mga tagapayo.”
Kaya nagpamithi siya sa kanilang dalawa dahil sa kahibangan. Kaya noong nakatikim silang dalawa sa [bunga ng] punong-kahoy ay natambad sa kanilang dalawa ang kahubaran nilang dalawa at nagsimula silang dalawa na magkapit sa kanilang dalawa ng mula sa mga dahon ng Paraiso. Nanawagan sa kanilang dalawa ang Panginoon nilang dalawa: “Hindi ba Ako sumaway sa inyong dalawa laban sa punong-kahoy na iyon at nagsabi sa inyong dalawa: Tunay na ang demonyo para sa inyong dalawa ay isang kaaway na malinaw?”
Nagsabi silang dalawa: “Panginoon namin, lumabag kami sa katarungan sa mga sarili namin. Kung hindi Ka magpapatawad sa amin at maaawa sa amin, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga lugi.”
Nagsabi Siya: “Lumapag kayo; ang iba sa inyo para sa iba ay kaaway. Ukol sa inyo sa lupa ay isang pinagtitigilan at isang natatamasa hanggang sa isang panahon.”
Nagsabi Siya: “Sa loob niyon mabubuhay kayo, sa loob niyon mamamatay kayo, at mula roon ilalabas kayo.
O mga anak ni Adan, nagpababa nga Kami sa inyo ng kasuutan na magbabalot sa kahubaran ninyo at bilang gayak. Ang kasuutan ng pangingilag magkasala, iyon ay higit na mabuti. Iyon ay kabilang sa mga tanda ni Allāh, nang sa gayon sila ay magsasaalaala.
O mga anak ni Adan, huwag ngang tutukso sa inyo ang demonyo yayamang nagpalabas siya sa mga magulang ninyo mula sa Paraiso habang nag-aalis sa kanilang dalawa ng kasuutan nilang dalawa upang magpakita siya sa kanilang dalawa ng kahubaran nilang dalawa. Tunay na siya ay nakakikita sa inyo, siya at ang mga kampon niya, mula sa kung saan hindi kayo nakakikita sa kanila. Tunay na Kami ay gumawa sa mga demonyo bilang mga katangkilik para sa mga hindi sumasampalataya.”}
(Qur’ān 7:19-27)
Matapos na bumaba si Adan sa lupa at napagkalooban siya ng mga anak at mga supling, pinapanaw siya (sumakanya ang pangangalaga). Pagkatapos nagdamihan ang mga supling niya sa isang salinlahi matapos ng isang salinlahi. Dumanas sila ng mga paglisya ng demonyo at gumapang sa kanila ang paglihis at ang pagsamba ng mga libingan ng mga taong maayos kabilang sa mga ninuno nila. Nalipat sila mula sa pananampalataya patungo sa pagtatambal [kay Allāh] kaya naman nagpadala si Allāh sa kanila ng isang sugong kabilang sa kanila na si Noe (sumakanya ang pangangalaga).