Ang Panimula
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Tunay na ang papuri ay ukol kay Allāh. Nagpupuri tayo sa Kanya, nagpapatulong tayo sa Kanya, at humihingi tayo ng tawad sa Kanya. Nagpapakupkop tayo kay Allāh laban sa mga kasamaan ng mga sarili natin at mga masagwa sa mga gawa natin. Ang sinumang papatnubayan ni Allāh ay siya ang napatnubayan at ang sinumang ipaliligaw ni Allāh ay hindi siya makatatagpo para sa kanya ng isang mapagtangkilik na tagagabay. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan palagi).
Sa pagsisimula…
Tunay na ang pangangailangan ay minamadali sa ngayon na magkaroon ng isang pinagaang pinaikling akda na naglalahad ng relihiyong Islām sa kasaklawan nito, maging hinggil sa nauugnay sa paniniwala o pagsamba o pakikitungo o mga etiketa o iba pa rito.
Makakakaya ang mambabasa nito na makabuo sa ganang kanya ng isang maliwanag na masaklaw na pinagsama-samang ideya tungkol sa Relihiyong Islām. Makatagpo rito ang pumapasok sa Relihiyong Islām ng isang pangunahing sanggunian sa pagkatuto ng mga patakaran nito, mga etiketa nito, mga ipinag-uutos nito, at mga sinasaway nito. Ang aklat na ito ay magiging nasa abot kamay ng mga tagapag-anyaya tungo kay Allāh, na maisasalin nila sa lahat ng mga wika at maiaabot nila sa bawat tagapagtanong na nagtatanong tungkol sa Relihiyong Islām at sa bawat taong papasok sa Islām para mapatnubayan sa pamamagitan niyon ang sinumang niloob ni Allāh ang kapatnubayan Niya at para mailalatag ang katwiran at ang pagpapaabot [ng mensahe] sa mga alagad ng paglihis at pagkaligaw.
Bago ng pagsisimula sa pagsulat ng akdang ito, hindi naiwasan na maglagay ng mga landasin at mga panuntunan na susundin ng tagapag-akda nang sa gayon ay maisakatuparan sa pamamagitan ng mga ito ang pangunahing layon ng aklat na ito. Babanggitin natin mula roon ang mga sumusunod na panuntunan:
Na ilalahad ang Relihiyong ito sa pamamagitan ng mga teksto ng Marangal na Qur’ān at Pampropetang Dinalisay na Sunnah at hindi sa pamamagitan ng mga istilong pantao at mga pamamaraang teolohika sa pakikipagtalakayan at pagkumbinsi. Iyon ay ayon sa ilang bagay-bagay:
A. Na sa pamamagitan ng pagdinig sa pananalita ni Allāh (napakataas Siya) at pag-intindi rito, napapatnubayan ang sinumang niloob ni Allāh ang kapatnubayan Niya at nailalatag ang katwiran sa naliligaw na nagmamatigas, gaya ng sabi Niya (napakataas Siya):
{Kung may isa kabilang sa mga tagapagtambal na nagpakalinga sa iyo ay kalingain mo siya hanggang sa makarinig siya ng pananalita ni Allāh. Pagkatapos paabutin mo siya sa pook ng kaligtasan niya.}
(Qur’ān 9:6)
Marahil hindi nailalatag ang katwiran at ang pagpapaabot [ng mensahe] sa pamamagitan ng mga istilong pantao at mga pamamaraang teolohika na dinadapuan ng pagsasalitan ng kakulangan at kasiraan.
B. Na si Allāh ay nag-utos sa atin ng pagpapaabot ng Relihiyon Niya at pagkasi Niya gaya ng pagkapababa Niya at hindi nag-utos sa atin ng pag-imbento ng mga pamamaraang teolohika mula sa ganang sarili natin para sa kapatnubayan ng mga tao, na nagpapalagay tayo na tayo ay nakararating sa pamamagitan ng mga ito sa mga puso nila. Kaya naman bakit tayo nag-aabala sa mga sarili natin ng hindi natin sinampalatayanan at umaayaw tayo sa ipinag-utos Niya sa atin?
C. Na ang mga istilo ng iba pang pag-aanyaya, tulad ng pagsasalita nang malawakan tungkol sa mga pagkalihis ng mga kaalitan at pagtugon sa kanila, maging sa larangan man ng kapaniwalaan o pagsamba o mga etika o mga etiketa o ekonomiya o paggamit ng mga talakayang pangkaisipan at intelektuwal gaya ng pagsasalita tungkol sa pagpapatunay sa kairalan ni Allāh – napakataas si Allāh higit sa anumang sinasabi ng mga tagalabag sa katarungan ayon sa kataasang malaki – o pagsasalita tungkol sa pagkapilipit na natatagpuan sa Bibliya at mga kasulatan ng mga ibang relihiyon, at paglilinaw sa mga salungatan ng mga ito at kabulaanan ng mga ito.
Lahat ng iyon ay naaangkop na maging isang pambungad para sa paglilinaw sa katiwalian sa mga prinsipyo ng mga kaalitan at mga pinaniniwalaan nila at naaangkop gayon din upang maging isang pang-edukasyong baon para sa Muslim – gayong hindi nakapipinsala sa kanya ang kamangmangan dito – subalit lubusang hindi naaangkop na maging isang pundasyon at isang pagsisimulan na nakasalalay rito ang pag-aanyaya niya tungo kay Allāh.
D. Ang mga pumapasok sa Islām dahil sa mga pamamaraang naunang nabanggit na ito ay hindi tiyakan na maging mga Muslim nang totohanan sapagkat maaaring papasok ang isa sa kanila sa Relihiyong ito dala ng paghanga sa isang takdang usaping inilahad sa kanya ang pagsasalita tungkol doon at maaaring nagiging isang hindi naniniwala sa mga iba pang pangunahing usapin kabilang sa mga nauukol sa relihiyon gaya ng isang humanga, halimbawa, sa mga ikinatatangi ng ekonomiyang Islāmiko subalit siya naman ay hindi sumasampalataya sa tahanang pangkabilang-buhay o hindi sumasampalataya sa kairalan ng mga jinn, mga demonyo, at iba pa roon.
Ang kauriang ito ng mga tao ay higit na marami ang kapinsalaan nito sa Islām kaysa sa kapakinabangan nito.
E. Na ang Qur’ān ay may kapangyarihan sa mga kaluluwa at mga puso; kaya kapag hinayaan ang Qur’ān sa mga ito, tutugon sa Qur’ān ang mga busilak na kaluluwa at aakyat ang mga ito sa mga hagdan ng pananampalataya at pangingilag magkasala. Kaya naman bakit hahadlang sa pagitan ng Qur’ān at ng mga kaluluwa at mga puso?
Na hindi manghimasok ang mga reaksiyon, ang panggigipit ng reyalidad, at ang mga naunang karanasan sa paglalahad ng Relihiyong ito; bagkus ilalahad ang Relihiyong ito gaya ng pagkababa nito, habang sinusunod kaugnay roon ang metodolohiya nito mismo sa pakikipag-usap sa mga tao at ang pagdadahan-dahan sa kanila sa mga baytang ng pagpapakatuwid.
Na maglayon sa pagsusulat ng kapayakan ng istilo at kaiksian sa abot ng makakaya sa paraang dadali ang pagdadala ng aklat at ang pagkakalat nito sa mga tao.
Nagsimula na tayo ay nakatapos ng gawaing ito, nagsalin ng aklat na ito, at nakapag-imprenta nito ng sampung milyong kopya. Umabot ang mga ito sa kamay ng sampung milyong tao. Kaya [kung] sumampalataya sa nasaad dito na mga talata ng Qur’ān at mga ḥadīth ang 1% sa kanila lamang at tumangging sumampalataya roon at umayaw ang 99% at lumapit sa atin ang isang ito samantalang nagpupunyagi habang siya ay natatakot [kay Allāh] habang nagnanais ng pananampalataya at pangingilag magkasala, nalalaman mo ba kapatid kong marangal na ang 1% na ito ay nangangahulugan ng pagpasok ng isang daang libong tao sa Relihiyong Islām?
Ito, walang duda, ay isang dakilang katuparan. Talagang kung magpapatnubay si Allāh sa pamamagitan mo ng iisang tao, higit na mabuti ito kaysa sa pinakamainam sa mga yaman.
Bagkus kung sakaling hindi man sumampalataya ang isa kabilang sa mga inanyayahang ito at umayaw silang lahat sa Relihiyong ito, tunay na tayo ay magiging nakaganap ng ipinagkatiwala at nakapagpaabot ng mensahe na ipinapasan sa atin ni Allāh.
Tunay na ang misyon ng mga tagapag-anyaya tungo kay Allāh ay hindi nasa pagkumbinsi ng mga tao sa Relihiyong ito o – gaya ng nabanggit ng Mahal na Aklat – nasa pagsisigasig sa kapatnubayan nila.
{Kung nagsisigasig ka sa pagpatnubay sa kanila, tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa pinaliligaw Niya…}
(Qur’ān 16:37)
Subalit ang pangunahing misyon nila ay ang misyon ng Propeta nila (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na sinabihan ng Panginoon nito (kapita-pitagan Siya at kataas-taasan):
{O Sugo, magpaabot ka ng pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo. Kung hindi mo gag̶̶awin ay hindi ka nagpapaabot ng pasugo Niya. Si Allāh ay magsasanggalang sa iyo sa mga tao.}
(Qur’ān 5:67)
Humihiling tayo kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) na tayong lahat ay maging mga nagtutulungan sa pagpapaabot ng Relihiyon Niya sa mga tao sa kabuuan at na gawin Niya tayong mga pambukas para sa kabutihan, mga tagapag-anyaya tungo rito, at mga pansara para sa kasamaan bilang balakid sa harapan nito. Si Allāh ay higit na maalam. Basbasan ni Allāh ang Propeta nating si Muḥammad.