Ang RelihiyongIslām

Maglalahad nito ang mga teksto ng Qur'ān at Sunnah ng pinakamabuti sa mga tao

6. Ang mga Katuruan ng Islām at ang mga Kaasalan Dito

A. Ang mga Ipinag-uutos

Heto ang ilan sa mga etika ng Islām at mga etiketa dito, na nagsisigasig ito sa pagsasaasal ng mga ito ang lipunang Muslim. Magtatala tayo ng mga ito sa isang binuod na pinaikling paraan. Magsisigasig tayo sa mga ito sa paghinuha sa mga kaasalang ito at mga etiketa na iyon mula sa mga pangulong pinagkukunan ng Islām: ang Aklat ni Allāh (ang Marangal na Qur’ān) at ang mga ḥadīth na Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Una: Ang Katapatan sa Pagsasalita

Nag-oobliga ang Islām sa mga tagasunod nito, na mga nakaugnay rito, ng katapatan sa pagsasalita. Gumawa ito niyon bilang tatak na nakadikit sa kanila, na hindi pinapayagan sa kanila sa isa man sa mga kalagayan na mag-iwan ng mga ito. Nagbibigay-babala ito sa kanila ng pinakamatinding pagbibigay-babala laban sa pagsisinungaling at nagpapalayo ito sa kanila roon sa pamamagitan ng pinakamariing pagpapahayag at pinakamaliwanag na paglalarawan. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

{O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh at maging kasama kayo sa mga tapat.}

(Qur’ān 9:119)

Nagsabi naman ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

“Manatili kayo sa katapatan sapagkat tunay na ang katapatan ay pumapatnubay tungo sa pagsasamabuting-loob at tunay na ang pagsasamabuting-loob ay pumapatnubay tungo sa Paraiso. Hindi natitigil ang tao na nagpapakatapat at naghahangad ng katapatan hanggang sa itala siya sa ganang kay Allāh bilang napakatapat. Kaingat kayo sa pagsisinungaling sapagkat tunay na ang pagsisinungaling ay pumapatnubay tungo sa kasamaang-loob at tunay na ang kasamaang-loob ay pumapatnubay tungo sa Impiyerno. Hindi natitigil ang tao na nagsisinungaling at naghahangad ng kasinungalingan hanggang sa itala siya sa ganang kay Allāh bilang palasinungaling.”[6]

[6] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy (6094) at Imām Muslim (2607).

Ang pagsisinungaling ay hindi kabilang sa mga katangian ng mananampalataya; bagkus ito ay kabilang sa mga katangian ng mapagpaimbabaw.[7] Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

“Ang tanda ng mapagpaimbabaw ay tatlo: kapag nagsalita siya, nagsisinungaling siya; kapag nangako siya, sumisira siya; at kapag pinagkatiwalaan siya, nagtataksil siya.”[8]

[7] Ang mapagpapaimbabaw ay nagpapakita na siya ay Muslim subalit siya, sa reyalidad ng nauukol sa kanya at paniniwala niyang pampuso, ay hindi mananampalataya sa Relihiyong Islām.

[8] Ang ḥadīth ay itinala ni Imām Al-Bukhārīy, Aklat: Ang Pananampalataya, Kabanata: Ang Palatandaan ng Mapagpaimbabaw (1/15).

Dahil dito, natatatakan ang mararangal na Kasamahan ng katangian ng katapatan hanggang sa nagsabi ang isa sa kanila: “Hindi kami nakaaalam noon ng pagsisinungaling sa panahon ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).”

Ikalawa: Ang Pagganap sa mga Ipinagkatiwala, ang Pagtupad sa mga Kasunduan at mga Tipan, at ang Katarungan sa mga Tao

Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

{Tunay na si Allāh ay nag-uutos sa inyo na gampanan ninyo ang mga ipinagkatiwala sa mga kinauukulan ng mga ito. Kapag humatol kayo sa pagitan ng mga tao na humatol kayo ayon sa katarungan.}

(Qur’ān 4:58)

Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya):

{Magpatupad kayo sa kasunduan; tunay na ang kasunduan ay laging pinananagutan.

Magpalubus-lubos kayo ng pagtatakal kapag nagtatakal kayo at tumimbang kayo sa pamamagitan ng timbangang tuwid. Iyon ay higit na mabuti at higit na maganda sa pagpapawakas.}

(Qur’ān 417:34-35)

Nagbunyi si Allāh sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng sabi Niya:

{na mga nagpapatupad sa kasunduan kay Allāh at hindi kumakalas sa tipan,}

(Qur’ān 13:20)

Ikatlo: Ang Pagpapakumbaba at ang Kawalan ng Pagkamapagmalaki

Ang Propeta nga (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay kabilang sa pinakamarami sa mga tao sa pagpapakumbaba. Umuupo siya sa gitna ng mga Kasamahan niya gaya ng isa sa kanila. Nasusuklam siya na tumayo para sa kanya ang mga tao kapag dumating siya. Talaga ngang ang may pangangailangan ay kumukuha ng kamay niya saka humihila sa kanya ngunit hindi siya bumabawi nito hanggang sa makatugon siya sa pangangailangan nito. Nag-utos nga siya sa mga Muslim ng pagpapakumbaba sapagkat nagsabi siya: “Tunay na si Allāh ay nagkasi sa akin na magpakumbaba kayo nang sa gayon hindi magmayabang ang isa sa isa pa at hindi lumabag ang isa sa isa pa.”[9]

[9] Ang ḥadīth ay itinala ni Imām Muslim (17/200), Aklat: Ang Paraiso, Kabanata: Ang mga Katangian na Nakikilala sa Pamamagitan ng mga Ito ay mga Maninirahan sa Paraiso.

Ikaapat: Ang Pagkamapagbigay, ang Pagkagalante, at ang Paggugol sa mga Uri ng Kabutihan

Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

{Ang anumang ginugugol ninyo na kabutihan ay para sa sarili ninyo, at ang anumang ginugugol ninyo bilang paghahangad sa mukha ni Allāh, at anumang ginugugol ninyo na kabutihan ay lulubus-lubusin tungo sa inyo [ang kabayaran] at kayo ay hindi lalabagin sa katarungan.}

(Qur’ān 2:272)

Nagbunyi nga si Allāh sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng sabi Niya:

{Nagpapakain sila ng pagkain, sa kabila ng pagkaibig dito, sa dukha, ulila, at bihag.}

(Qur’ān 76:8)

Ang pagkamapagbigay at ang pagkagalante ay katangian ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ng sinumang tumulad sa kanya kabilang sa mga mananampalataya. Walang natitira sa taglay niya na anumang yaman malibang ginugol niya sa mga uri ng kabutihan. Nagsabi si Jābir (malugod si Allāh sa kanya), na isa sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

“Hindi hiningan ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng anuman kailanman saka nagsabi siya ng hindi.”

Humimok ang Propeta ng pagpaparangal sa panauhin sapagkat nagsabi siya:

“ِAng sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magparangal siya sa panauhin niya. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay makiugnay siya sa kaanak niya. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magsabi siya ng mabuti o manahimik siya.”[10]

[10] Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy (6138) at Imām Muslim (47).

Ikalima: Ang Pagtitiis at ang Pagbata ng Pananakit

Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

{at magtiis ka sa anumang tumatama sa iyo; tunay na iyon ay kabilang sa pinagpapasyahan sa mga usapin.}

(Qur’ān 31:17)

Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya):

{O mga sumampalataya, magpatulong kayo sa pamamagitan ng pagtitiis at pagdarasal. Tunay na si Allāh ay kasama ng mga nagtitiis.}

(Qur’ān 2:153)

Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):

{Talagang gaganti nga Kami sa mga nagtiis ng pabuya sa kanila ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa.}

(Qur’ān 16:96)

Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noon ay kabilang sa pinakasukdulan sa mga tao sa pagtitiis, sa pagbata ng pananakit, at kawalan ng pakikipaggantihan sa masagwang gawa. Nanakit sa kanya ang mga kababayan niya samantalang siya ay nag-aanyaya sa kanila tungo sa Islām. Nambugbog sila sa kanya hanggang sa napaduguan nila siya ngunit pinahiran lamang niya ang dugo paalis sa mukha niya habang nagsasabi:

“O Allāh, magpatawad Ka sa mga kababayan ko sapagkat tunay na sila ay hindi nakaaalam.”[11]

[11] Ang ḥadīth ay itinala ni Imām Al-Bukhārīy, Aklat: Ang mga Tumalikod sa Islām, Kabanata: 5 (9/20).

Ikaanim: Ang Pagkamayhiya

Ang Muslim ay mabini, mayhiya. Ang pagkamayhiya ay isang sangay mula sa mga sangay ng pananampalataya. Ito ay tagatulak sa Muslim tungo sa bawat kaasalang nakalalamang. Pumipigil ito sa tagapagtaglay nito laban sa kabastusan at kahalayan sa salita at gawa. Nagsabi nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

Ang pagkamayhiya ay walang idinudulot kundi kabutihan.[12]

[12] Ang ḥadīth ay itinala ni Imām Al-Bukhārīy, Aklat: Ang Magandang Asal, Kabanata: Ang Pagkamayhiya (8/35).

Ikapito: Ang Pagsasamabuting-loob sa mga Magulang

Ang pagsasamabuting-loob sa mga magulang, ang paggawa ng maganda sa kanila, ang kagandahan ng pakikitungo sa kanila, at ang pagbababang-loob sa kanila ay kabilang sa mga pangunahing tungkulin sa Relihiyong Islām. Nadaragdagan ang tungkuling ito ng pagbibigay-diin kapag sumulong ang mga magulang sa katandaan at nangailangan sila sa anak nila. Nag-utos nga si Allāh (napakataas Siya) ng pagsasamabuting-loob sa kanila sa Aklat Niya at nagbigay-diin Siya sa kasukdulan ng karapatan nila sapagkat nagsabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya):

{Nagtadhana ang Panginoon mo na huwag kayong sumamba maliban sa Kanya at sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda. Kung aabutan nga sa piling mo ng katandaan ang isa sa kanilang dalawa o ang kapwa sa kanilang dalawa ay huwag kang magsabi sa kanilang dalawa ng nakasusuya at huwag kang bumulyaw sa kanilang dalawa. Magsabi ka sa kanilang dalawa ng salitang marangal.

Magbaba ka para sa kanila ng loob sa pagkaaba dahil sa pagkaawa at magsabi ka: “Panginoon ko, maawa Ka sa kanilang dalawa yayamang nag-alaga silang dalawa sa akin noong bata pa [ako].”}

(Qur’ān 17:23-24)

Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya):

{Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang niya – nagdalang-tao sa kanya ang ina niya sa isang panlalata sa ibabaw ng isang panlalata at ang pag-awat sa kanya ay sa dalawang taon – na [nagsasabi]: “Magpasalamat ka sa Akin at sa mga magulang mo. Tungo sa Akin ang kahahantungan.}

(Qur’ān 31:14)

May nagtanong na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) sapagkat nagsabi ito: “Sino po ang higit na karapat-dapat sa mga tao sa kagandahan ng pakikisama ko?” Nagsabi siya:

“Ang ina mo.” Nagsabi ito: “Pagkatapos sino po?” Nagsabi siya: “Ang ina mo.” Nagsabi ito: “Pagkatapos sino po?” Nagsabi siya: “Ang ina mo.” Nagsabi ito: “Pagkatapos sino po?” Nagsabi siya: “Ang ama mo.”[13]

[13] Ang ḥadīth ay itinala ni Imām Al-Bukhārīy, Aklat: Ang Maganang Asal, Kabanata: Ang Pinakakarapat-dapat sa mga Tao sa Kagandahan ng Pakikisama (8/2).

Dahil doon, ang Islām ay nag-oobliga sa Muslim ng pagtalima sa mga magulang sa lahat ng ipinag-uutos nila sa kanya maliban na ito ay maging isang pagsuway kay Allāh sapagkat sa sandaling iyon ay walang pagtalima sa nilikha kapalit ng pagsuway sa Tagalikha. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

{Kung nakipagpunyagi silang dalawa sa iyo na magtambal ka sa Akin ng wala kang kaalaman hinggil doon ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa. Makisama ka sa kanilang dalawa sa Mundo ayon sa nakabubuti.}

(Qur’ān 31:15)

Isinasatungkulin din sa kanya ang pagpipitagan sa kanila, ang pagbababang-loob sa kanila, ang pagpaparangal sa kanila sa salita at gawa, at ang pagsasamabuting-loob sa kanila sa bawat nakakakaya na mga uri ng pagsasamabuting-loob gaya ng pagpapakain sa kanila, pagpapadamit sa kanila, pagpapagamot sa maysakit sa kanila, pagtaboy ng perhuwisyo palayo sa kanila, pagdalangin at paghingi ng tawad para sa kanila, pagpapatupad sa pangako nila, at pagpaparangal sa kaibigan nila.

Ikawalo: Ang Kagandahan ng Kaasalan sa mga Ibang Tao

Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

“Ang pinakaganap sa mga mananampalataya sa pananampalataya ay ang pinakamaganda sa kanila sa kaasalan.”

[14] Ang ḥadīth ay itinala ni Imām Abū Dāwud, Aklat: Ang Sunnah, Kabanata: Ang Patunay sa Pagkadagdag at Pagkabawas Nito (5/6); at ni Imām At-Tirmidhīy, Aklat: Ang Pagpapasuso, Kabanata: Ang Nasaad sa Karapatan ng Babae sa Asawa Niya 3/457). Nagsabi si Imām At-Tirmidhīy na isang magandang tumpak [na ḥadīth ito]. Kaugnay sa hatol ni Shaykh Al-Albānīy, tingnan ang Ṣaḥīḥ Abī Dāwud (3/886).

Nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

“Tunay na kabilang sa pinaka-iniibig sa inyo sa akin at pinakamalapit sa inyo mula sa akin sa upuan sa Araw ng Pagbangon ay ang mga pinakamaganda sa inyo sa mga kaasalan.”[15]

[15] Ang ḥadīth ay itinala ni Imām Al-Bukhārīy, Aklat: Ang mga Dakilang Katangian, Kabanata: Ang Katangian ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) (4/230), na may pananalita: “Tunay na kabilang sa mga pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamaganda sa iyon sa mga kaasalan.”

Naglarawan si Allāh sa Propeta Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamamagitan ng sabi Niya:

{Tunay na ikaw ay talagang nasa isang kaasalang sukdulan.}

(Qur’ān 68:4)

Nagsabi naman siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

“Ipinadala lamang ako upang lumubos ako ng mararangal sa mga kaasalan.”[16]

Dahil doon, kinakailangan sa Muslim na maging maganda ang kaasalan sa mga magulang niya, nagsasamabuting-loob sa kanila gaya ng naunang nasabi natin, maganda ang kaasalan sa mga anak niya, tagapagpalaki sa kanila sa isang magandang pagpapalaki, tagapagturo sa kanila ng mga katuruan ng Islām, tagapagpalayo sa kanila sa bawat makapipinsala sa kanila sa Mundo at Kabilang-buhay, tagagugol sa kanila mula sa yaman niya hanggang sa umabot sila sa edad ng pag-asa sa sarili at kakayahan sa pagkita.

Gayon din, siya ay maganda ang kaasalan sa asawa niya, mga lalaking kapatid niya, mga babaing kapatid niya, mga kamag-anak niya, mga kapit-bahay niya, at mga tao sa kalahatan. Umiibig siya para sa mga kapatid niya ng iniibig niya para sa sarili niya. Nakikipag-ugnayan siya sa kaanak niya at mga kapit-bahay niya. Gumagalang siya sa nakatatanda sa kanila, naaawa siya sa nakababata sa kanila, at dumadalaw siya at nakikiramay siya sa pinasawi sa kanila bilang paggawa sa sabi Niya (napakataas Siya):

{…Sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda, at sa may pagkakamag-anak, mga ulila, mga dukha, kapit-bahay na may pagkakamag-anak, kapit-bahay na malayo, kasamahan sa tabi, at sa kinapos sa daan,…}

(Qur’ān 4:36)

Ang sabi naman ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

“Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay huwag siyang mamerhuwisyo ng kapit-bahay niya.”[17]

[16] Ang ḥadīth ay itinala ni Imām Aḥmad sa Al-Musnad (17/80). Nagsabi si Aḥmad Shākir: Ang kawing ng pagpapaabot nito ay tumpak. Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Al-Adab, Imām Al-Bayhaqīy sa Shi`b Al-Īm̄an, at Imām Al-Ḥākim sa Al-Mustadrak.

[17] Ang ḥadīth ay itinala ni Imām Al-Bukhārīy, Aklat: Ang Magandang Asal, Kabanata: Ang Sinumang Sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay Huwag Siyang Mamerhuwisyo ng Kapit-bahay Niya (8/13).

Ikasiyam: Ang Pakikibaka sa Landas ni Allāh (Napakataas Siya) Para sa Pag-aadya sa Naaapi, Pagsasakatotohanan ng Katotohanan, at Pagpapalaganap ng Katarungan.

Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

{Makipaglaban kayo ayon sa landas ni Allāh sa mga kumakalaban sa inyo ngunit huwag kayong lumabag; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagalabag.}

(Qur’ān 2:190)

Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya):

{Ano ang [pumipigil] sa inyo? Hindi kayo nakikipaglaban alang-alang sa landas ni Allāh at ng mga minamahina kabilang sa mga lalaki, mga babae, at mga bata, na nagsasabi: “Panginoon namin, magpalisan Ka sa amin mula sa pamayanang ito, na tagalabag sa katarungan ang mga naninirihan dito, magtalaga Ka para sa amin mula sa ganang Iyo ng isang katangkilik, at magtalaga Ka para sa amin mula sa ganang Iyo ng isang mapag-adya.”}

(Qur’ān 4:75)

Kaya naman ang layon ng pakikibakang pang-Islām ay ang pagsasakatotohanan ng katotohanan; ang pagpapalaganap ng katarungan sa pagitan ng mga tao; at ang pakikipaglaban sa mga lumalabag sa katarungan sa mga tao, naniniil sa mga ito, at pumipigil sa mga ito sa pagsamba kay Allāh at pagyakap sa Relihiyong Islām. Ito, katapat niyon, ay tumututol sa ideya ng pagpilit sa mga tao sa pamamagitan ng lakas sa pagpasok sa Relihiyong Islām. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

{Walang pamimilit sa relihiyon.}

(Qur’ān 2:256)

Sa sandali ng mga labanan, hindi pinapayagan para sa Muslim ang pagpatay ng babae ni ng batang paslit ni ng matandang tao; bagkus makikipaglaban siya sa mga nakikidigmang nang-aapi.

Ang sinumang napatay sa landas ni Allāh (napakataas Siya), siya ay isang martir at ukol sa kanya ang mataas na antas, ang pabuya, at ang gantimpala sa ganang kay Allāh (napakataas Siya). Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

{Huwag ka ngang mag-akalang ang mga pinatay sa landas ni Allāh ay mga patay bagkus mga buhay, na sa piling ng Panginoon nila ay tinutustusan sila,

na mga natutuwa sa ibinigay sa kanila ni Allāh mula sa kabutihang-loob Niya, at nagagalak para sa mga hindi pa nakasunod sa kanila kabilang sa naiwan nila, na walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.}

(Qur’ān 3:169،170)

Ikasampu: Ang Panalangin, ang Pagsambit ng Pag-aalaala [kay Allāh], ang Pagbigkas ng Qur’ān

Sa tuwing nadaragdagan ang pananampalataya ng mananampalataya, nadaragdagan ang pagkakaugnay nito kay Allāh (napakataas Siya), pagdalangin nito sa Kanya, at pagsusumamo nito sa harap Niya dahil sa pagtugon sa mga pangangailangan nito sa Mundo, pagpapatawad sa mga pagkakasala nito at mga masagwang gawa nito, at pag-angat sa mga antas nito sa Kabilang-buhay. Si Allāh ay Mapagbigay, na Galante, na nakaiibig na humingi sa Kanya ang mga humihingi. Nagsabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya):

{Kapag nagtanong sa iyo ang mga lingkod Ko tungkol sa Akin, tunay na Ako ay malapit: sumasagot Ako sa panalangin ng dumadalangin kapag dumalangin siya sa Akin…}

(Qur’ān 2:186)

Kaya naman si Allāh ay sumasagot sa panalangin kapag ito ay naging mabuti para sa tao at gumagantimpala sa tao dahil sa panalanging ito.

Gayon din, kabilang sa mga katangian ng mga mananampalataya ang kadalasan ng pagsambit ng pag-aalaala kay Allāh (napakataas Siya) sa gabi at sa maghapon nang palihim at nang hayagan. Kaya naman nagdadakila siya kay Allāh (napakataas Siya) sa pamamagitan ng mga uri ng pagdakila at pagsambit ng pag-aalaala [kay Allāh] tulad ng pagsabi ng subḥāna -llāh (kaluwalhatian kay Allāh), alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh), lā ilāha illa -llāh (walang Diyos kundi si Allāh), Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila), at iba pa roon kabilang sa mga anyo ng pag-aalaala kay Allāh (napakataas Siya). Iniresulta nga dahil doon ang dakilang pabuya at ang masaganang gantimpala mula kay Allāh (napakataas Siya). Nagsabi ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

{“Nauna ang mga mufarrid.” Nagsabi sila: “At ano naman po ang mga mufarrid, o Sugo ni Allāh?” Nagsabi siya: “Ang mga lalaking tagapag-alaala kay Allāh nang madalas at ang mga babaing tagapag-alaala.”}[18]

Nagsabi naman Siya (kaluwalhatian sa Kanya):

{O mga sumampalataya, alalahanin ninyo si Allāh nang pag-aalaalang madalas.

Magluwalhati Kayo sa Kanya sa umaga at gabi. (Qur’ān 33:41-42) Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya): Kaya alalahanin ninyo Ako, aalalahanin Ko kayo; at magpasalamat kayo sa Akin at huwag kayong tumangging sumampalataya sa Akin.}

(Qur’ān 2:152)

Bahagi ng pagsambit ng pag-aalaala [kay Allāh] ang pagbigkas ng Aklat ni Allāh, ang Marangal na Qur’ān. Kaya sa tuwing nagpapadalas ang tao ng pagbigkas ng Qur’ān at pagmumuni-muni rito, nadaragdagan ang antas niya sa ganang kay Allāh.

[18] Ang ḥadīth ay itinala ni Imām Muslim, Aklat: Ang Pagsambit ng Pag-aalaala at ang Panalangin, Kabanata: Ang Paghimok sa Pagsambit ng Pag-aalaala (4/17).

Sasabihin sa tagabigkas ng Marangal na Qur’ān sa Araw ng Pagbangon:

“Bumasa ka, umakyat ka, at bumigkas ka kung paanong ikaw noon ay bumibigkas sa Mundo sapagkat tunay na ang antas mo ay nasa sandali ng katapusan ng talatang babasahin mo.”[19]

[19] Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud (1464), na ang pananalita ay sa kanya; Imām At-Tirmidhīy (2914); Imām An-Nasā’īy sa As-Sunan Al-Kubrā (8056); at Imām Aḥmad (6799).

Ang Ikalabing-isa: Ang Pagkatuto ng Kaalamang Pang-Islām, ang Pagtuturo Nito sa mga Tao, at ang Pag-aanyaya Tungo Rito

Nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

“Ang sinumang tumahak sa isang daan habang naghahanap dito ng kaalaman, magpapadali si Allāh para sa kanya ng isang daan tungo sa Paraiso. Tunay na ang mga anghel ay talagang nagbababa ng mga pakpak nila para sa tagapaghanap ng kaalaman dala ng pagkalugod sa ginagawa niya.”[20]

[20] Ang ḥadīth ay itinala ni Imām At-Tirmidhīy sa Mga Kabanata ng Kaalaman, Kabanata: Ang Kainaman ng Pagkaunawa sa Pagsamba (4/153); Imām Abū Dāwud, Aklat: Ang Kaalaman, Kabanata: Ang Paghimok sa Paghahanap ng Kaalaman (4/5857); at Imām Ibnu Mājah sa Al-Muqaddimah (1/81). Sumang-ayon sa katumpakan nito si Shaykh Al-AlbIānīy sa Ṣaḥīḥ Al-Jāmi` (5/302).

Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

“Ang pinakamabuti sa inyo ay ang sinumang natuto ng Qur’ān at nagturo nito.”[21]

Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

“Tunay na ang mga anghel ay talagang dumadalangin ng pagpapala sa tagapagturo ng mga tao ng kabutihan.”[22]

Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

“Ang sinumang nag-anyaya tungo sa patnubay, magiging ukol sa kanya ang tulad ng pabuya ng sinumang gumawa ayon doon nang hindi nakababawas ito sa mga pabuya nila ng anuman.”[23]

[21] Ang ḥadīth ay itinala ni Imām Al-Bukhārīy, Aklat: Ang mga Kainaman, Kabanata: Ang Pinakamabuti sa Inyo ay ang Sinumang Natuto ng Qur’ān at Nagturo Nito (6/236).

[22] Ang ḥadīth ay itinala ni Imām At-Tirmidhīy, Aklat: Ang Kaalaman, Kabanata: Ang Nasaad sa Kainaman ng Pagkaunawa sa Pagsamba (5/50), na may kontekstong higit na mahaba.

[23] Nagtala nito si Imām Muslim, Aklat: Ang Kaalaman, Kabanata: Ang Sinumang Nagsakalakaran ng Sunnah na Maganda o Masagwa (16/227).

Nagsabi naman Siya (kaluwalhatian sa Kanya):

{Sino pa ang higit na maganda sa sinasabi kaysa sa sinumang nag-anyaya tungo kay Allāh, gumawa ng maayos, at nagsabi: “Tunay na ako ay kabilang sa mga muslim.”}

(Qur’ān 41:33)

Ang Ikalabindalawa: Ang Pagkalugod sa Hatol ni Allāh at ng Sugo Niya

Ang kawalan ng pagtutol sa isang utos na isinabatas ni Allāh sapagkat si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang pinakatagahatol sa mga tagahatol at ang pinakamaawain sa mga naaawa. Walang naikukubli sa Kanya na isang kumukubli sa lupa ni sa langit. Hindi naaapektuhan ang hatol Niya ng mga pithaya ng mga tao at mga ambisyon ng mga diktador. Bahagi ng awa Niya na nagsabatas Siya para sa mga lingkod Niya ng anumang nasa kapakanan nila sa Mundo at Kabilang-buhay at na hindi Siya mag-atang sa kanila kaugnay roon ng hindi nila nakakaya. Bahagi ng hinihiling ng pagkamananamba kay Allāh ang pagpapahatol sa isinabatas Niya sa bawat usapin kalakip ng kalubusan ng kalugurang pampuso hinggil doon.

Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

{Kaya hindi, sumpa man sa Panginoon mo, hindi sila sumasampalataya hanggang sa nagpapahatol sila sa iyo sa anumang napagtalunan sa pagitan nila, pagkatapos hindi sila nakatatagpo sa mga sarili nila ng isang pagkaasiwa sa anumang inihusga mo at nagpapasakop sila nang pagpapasakop [na lubos].}

(Qur’ān 4:65)

Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya):

{Kaya ang paghatol ng Kamangmangan ba ay hinahangad nila? Sino pa ang higit na magaling kaysa kay Allāh sa paghatol para sa mga taong nakatitiyak?}

(Qur’ān 5:50)

About The Author