Ang RelihiyongIslām

Maglalahad nito ang mga teksto ng Qur'ān at Sunnah ng pinakamabuti sa mga tao

1. Ang Kahulugan ng Pangungusap ng Tawḥīd: Walang Diyos Kundi si Allāh

Ang pangunahing panuntunan ng Relihiyong Islām ay ang Pangungusap ng Tawḥīd: Walang Diyos kundi si Allāh. Kung wala ang matatag na panuntunang ito, hindi maitatayo ang matayog na estruktura ng Islām. Tunay na ito ay ang kauna-unahang pangungusap na kinakailangan na bigkasin ng pumapasok sa Relihiyong Islām, habang sumasampalataya rito, habang naniniwala sa lahat ng mga kahulugan nito at mga ipinahihiwatig nito. Kaya ano ang kahulugan ng [pangungusap na] walang Diyos kundi si Allāh?

[Ang pangungusap na] walang Diyos kundi si Allāh ay nangangahulugang:

* Walang Tagalikha ng kairalan kundi si Allāh.

* Walang Tagapagmay-ari at Tagapangasiwa sa kairalang ito kundi si Allāh.

* Walang sinasambang naging karapat-dapat sa pagkasinasamba kundi si Allāh.

Si Allāh ay ang lumikha ng malawak na marikit na kagila-gilalas na Sansinukob na ito: ang langit na ito kalakip ng mga bituin nitong naglalakihan at mga planeta nitong umiinog, na umiinog sa isang pinahusay na sistema at isang kahanga-hangang pagkilos, na walang humahawak sa mga ito kundi si Allāh; at ang lupang ito kalakip ng mga bundok nito, mga lambak nito, mga burol nito, at mga ilog nito, kalakip ng mga punong-kahoy nito at mga pananim nito, kalakip ng hangin nito at tubig nito, kalakip ng katihan nito at karagatan nito, kalakip ng gabi nito at maghapon nito, at kalakip ng sinumang tumira rito at sinumang naglakad dito. Lumikha sa mga ito si Allāh lamang at nagpairal sa mga ito mula sa kawalan.

Nagsabi si Allāh (napakataas Siya) sa Marangal na Aklat Niya:

{Ang araw ay umiinog para sa isang pagtitigilan para rito. Iyon ay ang pagtatakda ng Makapangyarihan, Maalam.

Ang buwan ay nagtakda Kami rito ng mga yugto hanggang sa nanumbalik ito gaya ng buwig na magulang.

Ang araw ay hindi nararapat para rito na umabot sa buwan at ang gabi ay hindi mauuna sa maghapon. Lahat, sa ikutan, ay lumalangoy.}

(Qur’ān 36:38-40)

{Ang lupa, bumanat Kami nito, naglapat Kami rito ng mga matatag na bundok, at nagpatubo Kami rito ng bawat uring marilag,

bilang pagpapakita at bilang paalaala para sa bawat lingkod na nagsisising nagbabalik.

Nagbaba Kami mula sa langit ng isang tubig na biniyayaan saka nagpatubo Kami sa pamamagitan niyon ng mga hardin at mga butil na inaani,

at mga puno ng datiles, habang mga pumapaitaas na may bunga na patung-patong,}

(Qur’ān 50:7-10)

Ito ay nilikha ni Allāh (kapita-pitagan Siya at kataas-taasan). Gumawa Siya sa lupa bilang pamamalagian at naglagak Siya rito ng katangian ng grabitasyon ayon sa sukat na nagkakaangkupan sa pangangailangan ng buhay rito, kaya naman hindi lumalabis para humirap ang pagkilos dito at hindi kumakaunti para magliparan ang mga buhay mula rito. Bawat bagay sa ganang Kanya ay ayon sa sukat.

Nagpababa Siya mula sa langit ng tubig na kadali-dalisay na hindi mananatili ang buhay malibang sa pamamagitan nito:

Gumawa Kami mula sa tubig ng bawat bagay na buhay.

(Qur’ān 21:30)

Kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan nito ng mga halaman at mga bunga, nagpainom Siya sa pamamagitan nito sa mga hayupan at tao, at naghanda Siya sa lupa upang mag-ingat nito saka nagpatahak Siya nito sa lupa sa mga bukal at mga ilog.

Nagpatubo Siya sa pamamagitan nito ng mga hardin na may dilag dahil sa mga punong-kahoy ng mga ito, mga bulaklak ng mga ito, mga rosas ng mga ito, at mapanghalinang karikitan ng mga ito. Si Allāh ay ang nagpaganda sa bawat bagay na nilikha Niya at nagsimula ng paglikha ng tao mula sa putik.

Tunay na ang kauna-unahang tao na nilikha ni Allāh ay ang ama ng Sangkatauhan, si Adan (sumakanya ang pangangalaga). Lumikha Siya ng tao mula sa putik. Pagkatapos humubog Siya rito, nagbigay-anyo Siya rito, at umihip Siya rito mula sa Espiritu Niya. Pagkatapos lumikha Siya mula rito ng asawa nito. Pagkatapos gumawa Siya sa mga inapo nito mula sa isang hinango mula sa isang tubig na aba.

Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

{Talaga ngang lumikha Kami ng tao mula sa isang hinango mula sa isang putik.

Pagkatapos gumawa Kami sa kanya na isang patak sa isang pamamalagiang matibay.

Pagkatapos lumikha Kami sa patak bilang malalinta, saka lumikha Kami sa malalinta bilang kimpal ng laman, saka lumikha Kami sa kimpal ng laman bilang mga buto, saka bumalot Kami sa mga buto ng laman. Pagkatapos nagpaluwal Kami nito bilang iba pang nilikha. Kaya napakamapagpala si Allāh, ang pinakamaganda sa gawa sa mga tagalikha.}

(Qur’ān 23:12-14)

Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya):

{Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa ipinupulandit ninyo [na punlay]?

Kayo ba ay lumilikha niyon o Kami ay ang Tagalikha?

Kami ay nagtakda sa gitna ninyo ng kamatayan at Kami ay hindi nauunahan

na magpalit Kami ng mga tulad ninyo at magpaluwal Kami sa inyo sa hindi ninyo nalalaman.}

(Qur’ān 56:58-61)

Magbulay-bulay ka sa pagkalikha ni Allāh sa iyo, makatatagpo ka ng isang paghanga sa mga tumpak na organo at mga eksaktong sistema na wala kang nalalaman sa mga operasyon ng mga ito kundi kaunti, huwag nang sabihin na makakontrol ka sa mga ito. Mayroon itong isang organong pinagsama-sama para sa pagtunaw ng pagkain, na nagsisimula sa bibig, na nagpipira-piraso ng pagkain sa mga maliliit na piraso upang mapadali ang pagtunaw (digestion) ng mga ito. Pagkatapos ang lalaugan (pharynx), pagkatapos ibinabato ang isinubo patungo sa bagtingan (larynx) para magbukas para rito ang epiglottis (uvula) sa pinto ng esopago at magsara rito ang pinto ng lalagukan (trachea), pagkatapos dudulas ang isinubo patungo sa sikmura sa pamamagitan ng esopagong kumikilos nang mga kilos na malabulati.

Sa sikmura (stomach) nagpapatuloy ang operasyon ng pagtunaw kung saan nagbabagong-anyo ang pagkain para maging isang likidong pagbubuksan ng pagbukas ng bantay-pinto sa sikmura at dadako ito sa duodenum (isang maikling bahagi ng maliit na bituka) kung saan nagpapatuloy ang operasyon ng pagtunaw na siyang pagpapalit-anyo ng hilaw na materyal mula sa pagkain para maging isang naangkop na materyal na nababagay para sa pagdudulot-sustansiya sa mga selula (cell) ng katawan.

Pagkatapos mula rito, patungo naman sa maliliit na bituka kung saan makukumpleto ang mga pangwakas na operasyon ng pagtunaw at ang pagkain sa anyong ito ay magiging nababagay para masipsip sa pamamagitan ng mga villus na naririyan sa bituka upang dumaloy kasabay ng agos ng dugo.

Mayroong organong pinagsama-sama para sa sirkulasyon ng dugo na nakakalat sa mga masikot na arterya, na kung sakaling binanat mo ang mga ito ay talagang lalabis ang haba ng mga ito sa libu-libong kilometro, na nakadugtong sa sentralisadong estasyon ng bomba (pump) na tinawag na puso, na hindi napapata at hindi nagsasawa sa pagsasalin ng mga dugo sa pamamagitan ng mga arteryang iyon.

Mayroong isa pang organong para naman sa paghinga, may ikaapat para sa mga nerbiyo (nerve), may ikalima para sa pagpapalabas ng mga dumi, may ikaanim, ikapito, at may ikasampu, na nadaragdag tayo sa bawat araw na pagkakaalam hinggil sa mga ito. Ang hindi natin nalalaman kaugnay sa mga ito ay higit na marami kaysa sa nalalaman natin. Kaya sino ang lumikha sa taong ito kalakip ng kahusayang ito kundi si Allāh?

Dahil doon, tunay na ang pinakamabigat na kasalanan sa kairalan ay na gumawa ka para kay Allāh ng isang kaagaw samantalang Siya ay lumikha sa iyo.

Humayo ka nang may isang pusong nakabukas at isang espiritung malinis at magbulay-bulay ka sa kagila-gilalas sa pagkakayari ni Allāh (napakataas Siya). Itong hangin na sinisinghot mo at nanunuot sa iyo sa bawat lugar nang walang kulay na nagpapalabo sa mga paningin, kung sakaling naputol ito sa iyo ng mabibilang na minuto, talaga sanang naalisan ka ng buhay. Tunay na ang tubig na ito na iniinom mo, ang pagkaing iyon na kinakain mo, ang taong ito na iniibig mo, ang lupang ito na nilalakaran mo, at ang langit na iyon na pinagmamasdan mo, lahat ng nakikita ng dalawang mata mo at hindi mo nakikita na mga nilikha na malaki man o maliit, lahat ng iyon ay kabilang sa nilikha ni Allāh, ang Palalikha, ang Maalam.

Tunay na ang pag-iisip-isip kaugnay sa mga nilikha ni Allāh ay nagpapakilala sa atin ng kasukdulan ni Allāh at kakayahan Niya. Tunay na kabilang sa pinakasukdulan sa mga tao sa kahangalan, sa kamangmangan, at sa pagkaligaw ay ang sinumang nakakikita sa nilikhang kagila-gilalas na dakilang nagkakaugmaang mahusay na ito, na nagpapatunay sa nagniningning na karunungan at walang-takdang kakayahan, pagkatapos hindi sumasampalataya sa Tagalikha na nagpairal sa mga ito mula sa kawalan. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

{O nilikha ba sila mula sa hindi isang bagay o sila ay ang mga tagalikha?

O lumikha ba sila ng mga langit at lupa? Bagkus hindi sila nakatitiyak.}

(Qur’an 52:35-36)

Tunay na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay nakikilala ng mga maayos na naturalesa nang walang pangangailangan sa isang pagtuturo sapagkat pinairal na sa pagkabuo nito ang pagtuon at ang pagdulog sa Kanya subalit ito ay naililigaw at nailalayo sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya).

Dahil dito, kapag may tumama sa tao na isang sakuna o isang kalamidad o isang matinding krisis o mga dalamhati at naharap ito sa napipintong panganib sa katihan at karagatan, dumudulog ito nang direktahan kay Allāh habang humahango mula sa Kanya ng tulong at kaligtasan laban sa anumang dinaranas nito. Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay tumutugon naman sa nagigipit kapag dumalangin ito sa Kanya at nag-aalis Siya ng kapahamakan.

Ang Tagalikhang Sukdulang ito ay higit na malaki kaysa sa bawat bagay; bagkus walang nasusukat sa Kanya na anuman mula sa nilikha Niya sapagkat Siya ay ang Sukdulan na walang hangganan sa kasukdulan Niya at walang nakasasaklaw sa Kanya na isa man sa kaalaman, ang nailalarawan sa katangian ng kataasan sa nilikha Niya sa ibabaw ng mga langit Niya.

{Walang katulad sa Kanya na anuman, at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.}

(Qur’ān 42:11)

Walang nakatutulad sa Kanya na anuman mula sa nilikha Niya. Ang anumang sumagi sa isip mo, si Allāh ay hindi gayon.

Nakakikita Siya sa atin (kaluwalhatian sa Kanya) sa ibabaw ng mga langit Niya samantalang tayo ay hindi nakakikita sa Kanya.

{Hindi nakaaabot sa Kanya ang mga paningin samantalang Siya ay nakaaabot sa mga paningin. Siya ay ang Mapagtalos, ang Mapagbatid.}

(Qur’ān 6:103)

Bagkus hindi makababata ang mga pandama natin at ang mga lakas natin na makakita sa Kanya sa Mundong ito.

Talaga ngang humiling niyon ang isa sa mga propeta ni Allāh, si Moises (sumakanya ang pangangalaga), noong kumausap sa kanya si Allāh sa tabi ng bundok ng Ṭūr sapagkat nagsabi siya: “Panginoon ko, magpakita Ka sa akin, titingin ako sa Iyo.” Kaya nagsabi sa kanya si Allāh (napakataas Siya):

{“Hindi ka makakikita sa Akin, subalit tumingin ka sa bundok sapagkat kung namalagi iyon sa lugar niyon ay makakikita ka sa Akin.” Kaya noong lumantad ang Panginoon niya sa bundok ay ginawa Niya ito na isang patag. Bumagsak si Moises na hinimatay. Noong nagkamalay ito ay nagsabi ito: “Kaluwalhatian sa iyo! Nagbabalik-loob ako sa Iyo, at ako ay ang una sa mga mananampalataya.”}

(Qur’ān 7:143)

Ang dambuhalang matayog na bundok ay naguho at nagkabitak-bitak sa pagkalantad ni Allāh doon kaya papaanong makakakaya ang tao niyon sa pamamagitan ng mga mahinang payat na lakas niya?

Kabilang sa mga katangian ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.

{Hindi nangyaring si Allāh ay ukol mapawalang-kakayahan ng anuman sa mga langit ni sa lupa.}

(Qur’ān 35:44)

Nasa kamay Niya ang buhay at ang kamatayan. Nangangailangan sa Kanya ang bawat nilikha samantalang Siya ay Walang-pangangailangan sa bawat nilikha. Nagsabi Siya (napakataas Siya):

{O mga tao, kayo ay ang mga maralita kay Allāh at si Allāh ay ang Walang-pangangailangan, ang Kapuri-puri.}

(Qur’ān 35:15)

Kabilang sa mga katangian Niya (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang kaalamang pumapaligid sa bawat bagay:

{Taglay Niya ang mga susi ng nakalingid; walang nakaaalam sa mga iyon kundi Siya. Nalalaman Niya ang anumang nasa katihan at karagatan. Walang nalalaglag na anumang dahon malibang nalalaman Niya ito. Walang butil sa mga kadiliman ng lupa at walang mahalumigmig ni tuyot malibang nasa isang aklat na malinaw.}

(Qur’an 6:59)

Nakaaalam Siya sa anumang sinasalita ng mga dila natin at ginagawa ng mga bahagi ng katawan natin, bagkus, at anumang kinikimkim ng mga dibdib natin:

{Nakaaalam Siya sa taksil sa mga mata at anumang ikinukubli ng mga dibdib.}

(Qur’an 40:19)

Kaya si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay nakatatalos sa atin, na mapagbatid sa mga kalagayan natin: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa lupa ni sa langit habang hindi Siya nalilingat, hindi Siya nakalilimot, at hindi Siya natutulog. Nagsabi Siya (napakataas Siya):

{Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, ang Buháy, ang Mapagpanatili. Walang nakatatangay sa Kanya na isang antok ni isang pagkatulog. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Sino itong mamamagitan sa piling Niya malibang ayon sa pahintulot Niya? Nakaaalam Siya sa anumang nasa harapan nila at anumang nasa likuran nila. Hindi sila nakapapaligid sa anuman mula sa kaalaman Niya malibang ayon sa niloob Niya. Sumakop ang luklukan Niya sa mga langit at lupa at hindi nakabibigat sa Kanya ang pangangalaga sa mga ito. Siya ay ang Mataas, ang Sukdulan.}

(Qur’an 2:255)

Taglay Niya ang mga katangian ng kalubusang walang-takda na walang kakulangan dito walang kapintasan:

Taglay Niya ang mga pangalang pinakamagaganda at ang mga katangiang pinakamatataas. Nagsabi Siya (napakataas Siya):

{Taglay ni Allāh ang mga pangalang pinakamagaganda kaya dumalangin kayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito. Hayaan ninyo ang mga sumisinsay sa mga pangalan Niya; gagantihan sila sa dati nilang ginagawa.}

(Qur’ān 7:180)

Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay walang katambal para sa Kanya sa paghahari Niya, walang kaagaw, at walang tagataguyod.

Siya ay pinawalang-kinalaman (kaluwalhatian sa Kanya) sa pagkakaroon ng asawa at pagkakaroon ng anak, bagkus Siya ay ang Walang-pangangailangan doon sa kabuuan niyon. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

{Sabihin mo: “Siyang si Allāh ay Kaisa-isa.

Si Allāh ay ang Dulugan [sa pangangailangan].

Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak.

Hindi nagkaroon sa Kanya ng isang kapantay na isa man.”}

(Qur’an 112:1-4)

Nagsabi pa si Allāh (napakataas Siya):

{Nagsabi sila: “Gumawa ang Napakamaawain ng isang anak.”

Talaga ngang nakagawa kayo ng isang bagay na kakila-kilabot.

Halos ang mga langit ay nagkakabitak-bitak dahil dito, nabibiyak ang lupa, at humahandusay ang mga bundok nang durug-durog,

dahil nag-angkin sila para sa Napakamaawain ng isang anak.

Hindi nararapat para sa Napakamaawain na gumawa ng isang anak.

Walang [magagawa] ang bawat sinumang nasa mga langit at lupa kundi pupunta sa Napakamaawain bilang alipin.}

(Qur’an 19:88-93)

Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang nailalarawan sa pagtataglay ng mga katangian ng pagkapinagpipitaganan, karikitan, lakas, kasukdulan, pagkamakapagmamalaki, paghahari, at pagsupil.

Siya rin ay ang nailalarawan sa mga katangian ng pagkamapagbigay, pagpapatawad, pagkaawa, at paggawa ng maganda sapagkat Siya ay ang Napakamaawain (Ar-Raḥmān) na sumakop ang awa Niya sa bawat bagay,

ang Maawain (Ar-Raḥīm) na nauna ang awa Niya sa galit Niya,

at ang Mapagbigay (Al-Karīm) na walang hangganan sa pagkamapagbigay Niya at hindi nauubos ang mga kayamanan Niya.

Ang mga pangalan ni Allāh sa kabuuan ng ito ay pinakamagaganda na nagpapahiwatig ng mga katangian ng kalubusang walang-takda na hindi nararapat kundi ukol sa Kanya.

Ang pagkakilala sa mga katangian ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay nakadaragdag sa puso ng pag-ibig, pagpipitagan, takot, at pagpapakumbaba sa Kanya.

Dahil dito, tunay na ang kahulugan ng [pangungusap na] walang Diyos kundi si Allāh ay na hindi magbaling ng anuman sa pagkamananamba kundi kay Allāh sapagkat walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh sapagkat si Allāh ay ang nailalarawan sa mga katangian ng pagkadiyos at pagkalubos at Siya ay ang Tagalikha, ang Tagapagtustos, ang Tagapagbiyaya, ang Tagapagbigay-buhay, ang Tagapagbigay-kamatayan, ang Tagapagmabuting-loob sa nilikha Niya sapagkat Siya – tanging Siya – ay ang karapat-dapat sa pagsamba – walang katambal sa Kanya.

Ang sinumang tumanggi sa pagsamba kay Allāh o sumamba sa iba pa kay Allāh ay nagtambal nga at tumanggi ngang sumampalataya.

Kaya naman hindi isinasagawa ang pagpapatirapa, ang pagyukod, ang pagpapakumbaba, at ang pagdarasal kundi kay Allāh.

Hindi magpapasaklolo kundi kay Allāh, hindi magtutuon ng panalangin kundi kay Allāh, hindi hihiling ng mga pangangailangan kundi mula kay Allāh, at hindi magpapakalapit-loob ng alinmang pampalapit-loob, pagtalima, at pagsamba kundi kay Allāh.

{Sabihin mo: “Tunay na ang dasal ko, ang pag-aalay ko, ang buhay ko, at ang kamatayan ko ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang –

walang katambal sa Kanya. Gayon napag-utusan ako, at ako ay una sa mga Muslim.”}

(Qur’an 6:162-163)

About The Author

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *